Skip to Content

Pag-troubleshoot ng mga isyu sa website

Nakararanas ka ba ng problema sa paggamit ng website ng Wattpad? Mayroon bang hindi gumagana nang tama? Ang mga bug at pansamantalang glitches ay maaaring mangyari paminsan-minsan. Bago kami magsimulang mag-imbestiga, lagi naming inirerekomenda ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot, sapagkat kadalasan, ang karamihan ng mga problemang ito ay dahil sa isyu sa cache. Mas madalas mong gamitin ang website, mas dumarami ang cache! Ang paglilinis ng cache ay maaaring makapag-ayos ng problema, at makapagbalik sa iyong normal na karanasan sa Wattpad.

Kung nakararanas ka ng ilang isyu sa app, mangyaring subukan lamang ang mga sumusunod na hakbang.

  1. I-off at i-on muli ang iyong wireless/wired na koneksyon, o subukan na kumonekta sa ibang wi-fi network.
  2. Subukan na mag-log in sa iyong account gamit ang ibang browser gaya ng Firefox o Chrome. 
  3. Subukan na mag-log out sa iyong account, linisin ang cache/cookies ng iyong browser at mag-log in muli. Kung nais mong linisin ang iyong cache sa Wattpad lamang, maaaring mong gawin ito! Pumili ng browser sa ibaba at sundin ang mga sumusunod na mga hakbang. Kung hindi nakalista ang iyong browser, subukan na maghanap ng browser na iyong ginagamit gamit ang ‘clear cache on a single site’ sa iyong napiling search engine, at maaaring makahanap ka ng solusyon

Paglinis ng iyong cache para sa iisang site lamang sa Google Chrome

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome 
  2. Sa itaas na kanang bahagi, i-click ang More pagkatapos ay ang Settings 
  3. Sa ilalim ng “Privacy and security,” i-click ang Cookies and other site data.
  4. I-click ang See all cookies and site data.
  5. Sa itaas na kanang bahagi, hanapin ang pangalan ng website (Wattpad).
  6. Sa kanang bahagi ng site, i-click ang Remove.

Para sa iba pang impormasyon, mas matuto sa kanilang artikulo na ito

Paglinis ng iyong cache para sa iisang site lamang sa Mozilla Firefox

  1. Sa Menu bara sa itaas ng screen, i-click ang Fireforx at piliin ang Preferences
  2. Piliin ang Privacy & Security panel at pumunta sa Cookies and Site Data section/
  3. Sa Cookies and Site Data section, i-click ang Manage Data…. May makikita kang listahan ng mga site at kung gaano karaming impormasyon ang naka-store sa iyong computer.
  4. I-click ang site na iyong nais alisin (Wattpad) at i-click ang Remove Selected (o i-click ang Remove All para alisin ang lahat ng naka-store na cookies at site data).
  5. I-click ang Save Changes para matapos. 

Para sa iba pang impormasyon, mas matuto sa kanilang artikulo na ito. 

Paglinis ng iyong cache para sa iisang site lamang sa Safari

  1. Sa Safari app, piliin ang Safari, pagkatapos ay Preferences 
  2. I-click ang Privacy
  3. I-click ang Manage Website Data, piliin ang isa o higit pang websites (Wattpad)
  4. I-click ang Remove or Remove All.

Para sa iba pang impormasyon, mas matuto sa kanilang artikulo na ito.

Kung nakararanas ka pa rin ng problema, maaari mong tingnan ang aming Known Issues page para makita kung ito ay isang bug na aming inaayos na, o ang aming Status page kung kami ay kasalukuyang nakararanas ng outage. Maaari mo ring i-follow ang aming Status Twitter!

Kung nakararanas ka ng problema sa aming app tingnan ang aming artikulo tungkol sa pag-troubleshoot sa mga isyu sa mga app.

Kung hindi pa rin ito makatutulong sa iyo sa isyung ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.

Siguraduhin na ang iyong email na gagamitin sa pagsulat sa amin ay ang email na naka-link sa iyong account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
150 sa 431 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.