Kung isinara mo ang iyong account, maaari mong buksan muli ito.
Upang mabuksan muli ang iyong account, kailangan mo ang mga sumusunod:
- password sa account
- username o email address na naka-link sa account
Ang pagbubukas muli ng isang account ay kapareho lamang sa pag-log in sa isang account, kung kaya’t mag-log in lamang sa kahit na anong platform sa pamamagitan ng pag-enter ng mga kinakailangang nabanggit sa itaas. Ikaw ay makatatanggap ng email mula sa Wattpad na may titulong, ‘Ang iyong Wattpad account ay matagumpay na naibalik.”
Mangyaring pakatandaan na maaaring tumagal ng ilang segundo bago mabuksang muli ang account.
Hindi mabuksang muli ang iyong account?
Nakalimutan ang password
Kailangan mong makipag-ugnayan sa Wattpad Support (support.wattpad.com). Hindi mo maaaring i-reset ang password ng naisarang account.
Nakuha na ang username
Ang username na naka-link sa iyong account ay maaaring nagamit na sa paggawa ng bagong account ng ibang user. Kung ito ang kaso, hindi na mabubuksang muli ang iyong account.
Ang email ay naka-link sa ibang account
Ang email address na naka-link sa iyong account ay naka-link na sa ibang account. Kailangan mong baguhin ang email address sa isa mo pang account bago mo mabuksang muli ang iyong naisarang account.
Naisara ang account dahil sa paglabag
Kung isinara ang iyong account dahil sa isang paglabag sa aming Mga Alituntunin sa Pag-uugali o Tuntunin ng Serbisyo, hindi na muling mabubuksan ang iyong account. Maaari kang magbasa nang higit pa tungkol sa mga paglabag sa account dito: Nagbubura ba ng Wattpad ng mga kuwento?
Walang access sa email address
Kung wala ka nang access sa email address na naka-link sa iyong account, hinihikayat namin na makipag-ugnayan ka muna sa iyong email provider upang subukang magkaroon muli ng access; bilang pagtulong, tingnan ang aming gabay Nakalimutan ang Email.
Kung hindi ka pa rin magkakaroon ng access sa iyong email account, sa kasamaang palad, hindi na namin mabubuksang muli ang iyong account para sa pang-seguridad na dahilan.
Mangyaring tingnan muna ang iyong email upang makasiguro na ang iyong account ay hindi naisara dahil sa paglabag ng aming Mga Alituntunin sa Pag-uugali o Tuntunin ng Serbisyo.
Kung ang iyong account ay naisara na nang higit sa anim na buwan, ito ay permanente nang mabubura. Sa loob ng anim na buwan pagkatapos ng pag-deactivate, posible pa ring ibalik ang iyong account kung ito ay hindi sinasadya o maling na-deactivate, kabilang ang muling pag-uugnay ng iyong mga komento at kontribusyon sa iyong profile. Pagkalipas ng anim na buwan, permanente na naming buburahin ang iyong Personal na Impormasyon sa aming mga system, at ang tanging mananatili sa Service ay ang iyong walang pangalan na mga komento at kontribusyon.
Kung hindi pa rin ito makatutulong sa iyo sa isyung ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Siguraduhin na ang email na iyong gagamitin sa pagsulat sa amin ay ang email na naka-link sa iyong account.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.