Skip to Content

Pag-host ng Patimpalak sa Wattpad

Nais mo bang magpatakbo ng isang writing contest sa Wattpad? Swerte ka. Mayroon kaming tips and tricks para matulungan ka sa iyong pagsisimula para mas makaengganyo ng mga entry at gawing mas madali ang paghahanap at pagsali sa iyong patimpalak para sa ibang mga Wattpadder. 

  1. Gumawa ng kuwento para ilarawan ang iyong patimpalak sa komunidad.
  2. Isama ang impormasyon sa mga pamantayan at premyo, at pumili ng kakaibang tag para sa mga entry (gaya ng #youngwritersprize o #taygetsthegay).
  3. I-tag ang iyong kuwento para sa patimpalak gamit ang #wpcontests para mahanap ito ng ibang mga Wattpadder.

At ngayong naka-set up na ang iyong patimpalak, oras na para ipakalat ito. Sa pamamagitan ng pag-share sa Wattpad at ibang social media, magkakaroon ka ng mas maraming entries at mas maraming atensyon para sa iyong contest. Maaari mo ring paalalahanan ang iyong mga participant na ipakalat ang balita. Kung magustuhan ng tao ang patimpalak, ikonsidera ang paggawa ulit nito: maaaring linggo-linggo, kada buwan, o kada taon.

MGA TIPS AT TRICKS

  1. Panatilihin itong simple.
  2. Gawin itong interesante at nakaeengganyo.
  3. Maging inclusive.
  4. Ipakalat ang balita.
  5. Ibigay ang naipangako.

HINDI DAPAT MAKALIMUTAN:

  1. Eligibility & Restrictions: Bukas ba ang patimpalak mo para sa lahat ng mga bansa at edad?
  2. Paraan ng pagsali: Siguraduhin na ilagay kung paano sasali ang isang Wattpadder sa iyong patimpalak. Ang dalawang pinakakilalang paraan sa pagsali ay sa pamamagitan ng pagkomento o mga writing contest na may mga tag. Sa mga tag, magrekomenda ng kakaibang hashtag para sa iyong contest at sabihan ang mga Wattpadder na ilagay ito sa kanilang story submission. Para naman sa mga komento, hilingin sa kanila na maglagay ng link tungo sa kanilang kuwento sa comment section para maging madali sa iyo ang paghahanap ng lahat ng submissions. Mayroon ding mga comment to win na mga patimpalak kung saan ang pinakamahusay na komento ay mananalo ng premyo.
  3. Nilalaman/Content: Tukuyin kung anong klase ng content ang pinapayagan (anong kategorya, anong rating) at kung gaano lamang kahaba dapat ang mga submission.
  4. Deadline: Bigyang linaw ang haba ng itatakbo ng iyong patimpalak, kasama ang araw ng pagsisimula at pagtatapos nito. Mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga Wattpadder kaya siguraduhin na malinaw din kung ano ang gagamiting time zone.
  5. Premyo: Ipaalam sa mga kalahok kung ikaw ay magbibigay ng premyo sa (mga) nanalo. Hindi pinapayagan ang pera para maging premyo. Ang mga maituturing na premyo ay mula sa pag-follow hanggang sa pag-critique ng kuwento.
  6. Judging: Ilagay kung sino ang mga hukom kung mayroon man.
  7. Basahin at i-review ang Tuntunin ng Serisyo at Mga Alituntunin sa Nilalaman ng Wattpad bago simulan ang iyong patimpalak upang masigurong walang malalabag ito.
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
952 sa 1049 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.