Skip to Content

Pagtingin sa mga imahe, GIF at mga video sa isang kuwento

Ang mga kuwento sa Wattpad ay higit pa sa mga salita; maaari din itong magtaglay ng mga imahe, GIF at video upang gawing mas buhay ang kuwento.

Upang matingnan ang media sa isang kuwento, dapat ay may malakas kang internet connection. Makakikita ka ng grey na kahon kung ang media ay hindi nai-download.

Mayroong dalawang klase ng media:
Header Media: mga imahe, GIF, o video sa itaas ng kuwento
Inline Media: mga imahe, GIF, o video sa gitna ng mga salita sa kuwento

Pumili ng klase ng media upang matuto nang higit pa tungkol dito:

Header Media

Ang Header Media ay matatagpuan sa itaas ng isang parte ng kuwento. Mayroong limitasyon na 1 imahe at 1 video.

Ang pag-tap o pag-click sa isang imahe ay magpapalaki rito; ang pag-tap o pag-click sa isang video ay magsisimula sa video.

Inline Media

Ang mga Inline Media ay mga imahe, GIF, o video na matatagpuan sa gitna ng mga salita sa kuwento.

Mayroong limitasyon na 20 mga imahe/GIF o video sa gitna ng mga salita sa bawat parte ng kuwento.

Ang pag-tap o pag-click sa isang imahe ay magpapalaki rito; ang pag-tap o pag-click sa isang video ay magsisimula sa video.

Mayroong problema sa pagtingin ng mga video, GIF o litrato?

Kung ikaw ay nagkakaroon ng problema sa pagtingin sa ilang content sa Wattpad, makikita mo ang ilang mga hakbang upang maayos ang isyu.

Mangyaring pakatandaan na may limitasyon na 20 inline na mga imahe sa bawat parte ng kuweto.

Mag-click ng platform upang tumuklas nang higit pa.

Sa iOS o Android

  1. Isara at buksan muli ang iyong wi-fi/data connection, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
  2. Subukang mag-log out at bumalik sa iyong account, siguraduhing naisara nang tuluyan ang app.
  3. Tingnan kung naa-access mo ang media gamit ang web version ng Wattpad sa www.wattpad.com
  4. Subukang i-uninstall at i-reinstall ang app.

Sa Web

  1. Subukang mag-log out sa iyong account, i-clear ang cache/cookies ng iyong browser, at mag-log in ulit.
  2. Subukang i-access ang iyong account gamit ang ibang browser tulad ng Firefox o Google Chrome.

Pag-troubleshoot

Kung ang mga hakbang sa pag-troubleshoot na nabanggit sa itaas ay hindi naresolba ang isyu, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito at isama ang mga sumusunod na impormasyon upang makatulong sa aming imbestigasyon:

  1. Screenshot ng iyong nakikita kasama ang direktang link sa kabanata kung nasaan ang media O ang eksaktong username ng may-akda, pamagat ng kuwento, at apektadong kabanata.
  2. Kung ikaw ang may-akda ng kabanata, mangyaring magbigay ng direktang link ng media na iyong inilagay kasama ang mga impormasyong hinihiling sa itaas.
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
94 sa 164 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.