Mayroon kang kakayahan na magpadala ng mga pribadong mensahe sa ibang user at ang maaari lamang makakita ng mensaheng ito ay ikaw at ang user na pinadalhan.
Ang mga mensahe sa mga pribadong usapan ay nakaayos sa paraan ng pagkakasunod-sunod ng iyong pagpapadala. Ang mga bagong mensahe ay may markang kahel na tuldok (sa iOS) o naka-bold (sa Android, Web).
Maaari mo ring tanggalin ang mga pribadong mensahe, ngunit sa oras na mabura ang mga ito, ang mensaheng ito ay hindi na maibabalik pa.
Mangyaring pakatandaan na upang makatulong sa performance ng Wattpad, mayroon lamang naaayon na bilang ng mga pag-uusap na naka-store sa iyong inbox, at naaayon na bilang ng mga mensahe sa pagitan ng mga user. Sa oras na maabot mo ang batayan na ito, ang iyong mga lumang mensahe ay awtomatikong mabubura. Kung binura na ng sistema ang mga mensahe, hindi namin itatago ang mga log ng mga mensaheng ito kaya sa kasamaang palad, hindi na namin sila maibabalik.
Pumili ng platform para sa iba pang impormasyon.
Sa iOS
Para makita ang iyong inbox:
- I-tap ang Updates button
- Piliin ang Messages
Para magpadala ng pribadong mensahe:
Option 1: Mula sa iyong Inbox
- I-tap ang Updates button
- Piliin ang Messages
- I-tap ang + New Message
- I-type ang username ng user na nais mong padalhan ng mensahe mula sa listahan
- I-type ang iyong mensahe
- Pindutin ang Send
Option 2: Mula sa profile ng ibang user
- Pumunta sa profile ng user na nais mong padalhan ng mensahe
- I-tap ang More button sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Send a message
- I-type ang iyong mensahe
- Pindutin ang Send
Para magbura ng pribadong mensahe:
Option 1: Sa iyong inbox
- I-swipe ang mensahe pakaliwa
- I-tap ang Remove
- Piliin ang Delete Conversation
Option 2: Sa isang pribadong mensahe
- I-tap ang More button
- Piliin ang Delete Conversation
Sa Android
Para makita ang iyong inbox:
- I-tap ang Updates button mula sa ibabang menu
- Piliin ang Messages
Para magpadala ng pribadong mensahe:
Option 1: Mula sa iyong inbox
- I-tap ang Updates button
- Piliin ang Messages
- I-tap ang Send a message
- I-type ang username ng user na nais mong padalhan ng mensahe mula sa listahan
- I-type ang iyong mensahe
- I-tap ang Send
Option 2: Mula sa profile ng ibang user
- Pumunta sa profile ng user na nais mong padalhan ng mensahe
- I-tap ang More options button sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Send a message
- I-type ang iyong mensahe
- I-tap ang Send
Para magbura ng mensahe:
Option 1: Sa iyong inbox
- Pindutin ng matagal ang mensahe
- Piliin ang Delete Conversation
- Piliin ang Yes
Option 2: Sa isang message
- I-tap ang More options button sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Delete Conversation
- I-tap ang Yes
Sa Web
Para makita ang iyong inbox:
- I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Inbox
Option 1: Para magpadala ng pribadong mensahe:
- I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
- I-click ang Inbox
- I click ang + Bagong Mensahe
- I-type ang kanilang username
- I-type ang iyong mensahe at i-click ang Ipadala
Option 2 : Para magpadala ng pribadong mensahe:
- Pumunta sa profile ng user na nais mong padalhan ng mensahe
- I-click ang Mensahe
- I-type ang message na nais mo ipadala
- I-click ang Ipadala
Para magbura ng pribadong mensahe:
- Buksan ang iyong inbox
- Magbukas ng mensahe
- I-click ang Burahin ang pag-uusap sa itaas na kanang bahagi
- I-click ang Ok
Para ayusin ang iyong mga mensahe:
- Buksan ang iyong inbox
- I-click ang drop-down menu sa tabi ng + Bagong Mensahe
- Pumili ng opsyon sa pagsasaayos.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.