Skip to Content

Pag-report ng Copyright


Sa Wattpad, pinahahalagahan namin ang dedikasyon at oras na inilalaan sa creation process, kaya naman ang pagtulong sa mga manunulat na maprotektahan ang kanilang mga karapatan ay ang aming pangunahing prayoridad.

Mahigpit na ipinagbabawal ang walang pahintulot na pag-post ng akda ng iba na may copyright, gaya ng nabanggit sa aming Tuntunin ng Serbisyo at Mga Alituntunin sa Nilalaman. Bilang service provider, sumusunod din kami sa lahat ng naaangkop na mga probisyon ng Digital Millennium Copyright Act (“DMCA”).

Ang aming patakaran ay sumagot sa mga balidong abiso ng mga hinihalang paglabag sa copyright na aming natatanggap sa pamamagitan ng mabilis na pagbura o pag-disable ng access sa diumano’y lumabag na materyal.


Repeat infringers - Bilang karagdagan sa patakaran sa itaas, maaari naming, kung angkop at sa aming paghuhusga, tanggalin ang mga account ng mga user na paulit-ulit na lumalabag o napatawan ng paglabag ng intellectual property rights ng iba. Kung maraming paglabag sa copyright ang isang account, o may matuklasan pang karagdagang paglabag sa ibang araw, isasara ang account. Pakitandaan na ang mga pagkilos ng user ay naka-link sa may-ari ng account, hindi sa (mga) account mismo.

 

Tandaan: Ang pinoprotektahan lamang ng copyright ay ang pisikal na representasyon ng isang ideya, hindi ang mismong ideya. Tandaan na ang mga titulo, pangalan ng mga tauhan, pagkakapareho sa storylines at tema ng plot ay hindi sapat na basehan para sa isang copyright violation. Kung hindi ka sigurado kung ang isang akda ay lumalabag ng iyong copyright, hinihikayat ka namin na humingi ng propesyonal/legal na payo bago magsumite ng abiso.

 

Paano mag-report ng “Nalathala” na content kung hindi ikaw ang may-ari:

I-click ang report button sa deskripsyon ng kuwento O kung nasa web, i-click ang “...” sa kahit anong parte ng kuwento at i-click ang “Report Story”

Pagkatapos mong i-click ang report story, pipiliin mo na ikaw ay magre-report ng copyright. Pagkatapos gawin ito, dadalhin ka sa hiwalay na reporting form at maaatasang magbigay ng lahat ng mga link sapagkat ang DMCA form ay hindi nata-track ang link ng kuwento kung saan ka nag-report.

Tip: Para sa “original source,” mangyaring isama ang link sa isang listing kung ang inire-report ay isang nobela. Ang link tungo sa Amazon o Goodreads page para sa nobela ay mainam upang makita namin ang libreng preview at mas mapadali ang pag-iimbestiga.


Pag-report sa orihinal na may-ari ng Wattpad copyright 

May bagong reporting option ang nadagdag sa copyright reporting flow! Maaari ka nang mag-report ng kuwento sa Wattpad na sa tingin mo ay lumabag sa isang kuwento na kasalukuyang nasa Wattpad, direkta sa Wattpad user na sa tingin mo ay orihinal na may-ari ng copyright. Hindi ito makalilikha ng isang report sa Wattpad Copyright Team, ngunit, magpapadala kami ng automated na pribadong mensahe sa Wattpad user na naglalaman ng lahat ng impormasyon na kanilang kailangan, kabilang ang link tungo sa diumano’y lumabag na kuwento, para mas matuto pa sila tungkol sa copyright at mai-report ito. Huwag mag-alala, ito ay anonymous kaya’t hindi malalaman ng user kung sino ang tumawag ng kanilang pansin ukol dito.

Bilang manunulat sa Wattpad na makatatanggap ng alert na ito sa iyong pribadong mensahe, mabibigyan ka ng link tungo sa diumano’y lumabag na kuwento para ma-review at matukoy kung naniniwala ka o hindi na ito ay isang paglabag ng iyong orihinal na akda. Mabibigyan ka rin ng mga link tungo sa aming mga artikulo sa copyright para higit na matuto ka pa tungkol sa copyright sa Wattpad at kung paano magsumite ng DMCA takedown request kung pipiliin mo ang rutang ito.

Kung hindi mo nais na magsumite agad ng DMCA takedown request, hindi mo kailangang gawin ito! Maaari kang magpadala ng mensahe sa manunulat na mayroong diumano’y paglabag sa iyong akda at ipaliwanag kung bakit naniniwala ka ng ang kanilang akda ay lumabag ng sa iyo at magalang na hingin sa kanila na alisin ito. Kung hindi ito gumana, mangyaring magsumite ng takedown request kung naniniwala ka pa rin na ito ay isang paglabag!

Paano mag-file ng DMCA take-down notice

MAHALAGA: Maaaring may mga legal at pinansyal na kahihinatnan ang pagpasa ng mga hindi totoong pag-angkin. Bago magpasa ng DMCA Take-down Notice, siguraduhin na ikaw ang may hawak ng aktwal na karapatan sa content at may legal na awtoridad para kumilos para sa opisyal na may-ari, o ay awtorisado sa ilalim ng kahit anong eksklusibong karapatan sa ilalim ng copyright.

Kung naniniwala ka na nalabag ang iyong copyright, mangyaring agarang i-report ito sa amin sa pamamagitan ng pagsumite ng DMCA take-down Notice. Mabilis mo itong magagawa sa pamamagitan ng pagsagot ng aming online form sa http://www.wattpad.com/help/DMCA at pagbibigay ng lahat ng kinakailangan na mga impormasyon.

Kung hindi mo nais gamitin ang aming form, mangyaring ibigay ang mga sumusnod na impormasyon sa aming Designated Copyright Agent:

  • Ang iyong buong legal na pangalan
  • Ang address sa iyong tahanan o mailing address
    • Halimbawa: Ang 123 Main St. ay isang addres
    • Bansa:
    • Lungsod:
    • Estado/Lalawigan:
    • Postal code:
  • Ang iyong numero sa telepono
  • Kung maaari, ang iyong email address
  • Kung ang iyong orihinal na akda ay nasa Wattpad, ang iyong Wattpad username
  • URL tungo sa iyong orihinal na akda
  • Deskripsiyon ng diumano’y paglabag (Saan ito mahahanap, ano ang kinopya, atbp.).
  • URLS(s) ng mga diumano’y lumabag na materyal sa Wattpad
  • Ang parehong sumusunod na mga pahayag:
    • Isinasaad ko rito na mayroon akong magandang loob na paniniwala na ang pinagtatalunang paggamit ng naka-copyright na materyal o sanggunian o link sa naturang materyal ay hindi pinahihintulutan ng may-ari ng copyright, ahente nito, o ng batas (hal., bilang patas na paggamit).
    • Isinasaad ko rito na ang impormasyon sa Paunawang ito ay tumpak at, sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling, na ako ang may-ari, o awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari, ng copyright o ng isang eksklusibong karapatan sa ilalim ng copyright na di umano'y nilabag.
  • Ang iyong electronic o pisikal na lagda.

Ang notice na ito ay maipadadala sa pamamagitan ng email, kasama ang mga kinakailangang impormasyon, sa itinalagang Copyright Agent ng Wattpad sa copyright@wattpad.com. Ang mga request ay kadalasang makatatanggap ng sagot sa loob ng three business days depende sa dami ng mga request.


Bago magsumite ng report, mangyaring pakatandaan:

Ang pinoprotektahan lamang ng copyright ay ang pisikal na representasyon ng isang ideya, at hindi ang mismong ideya. Sa kasamaang palad, ang mga parehong plot o tema ng kuwento ay maaaring hindi nangangahulugan na ito ay paglabag ng copyright. Kung hindi ka sigurado kung ang isang akda ay lumabag ng iyong copyright, hinihikayat ka namin na humingi ng propesyonal/legal na payo bago magsumite ng abiso. Itinataguyod nito ang katibayan ng paglikha na kinakailangan para sa kahit anumang isyu sa copyright na maaaring lumutang. Kung mayroong pagtatalo tungkol sa orihinal na pinanggalingan ng akda, ang registered date ng digital na akda sa Wattpad ay nakapagbibigay suporta sa iyong pag-angkin.

Pagbawi ng DMCA takedown request:

Kung namali ka ng pag-file ng DMCA takedown request, maaari mong bawiin ang iyong claim sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa copyright@wattpad.com. Dapat ipadala ang iyong email mula sa parehong email address o corporate domain na ginamit mo para isumite ang iyong orihinal na takedown request at ang paksa ay dapat na "Retraction of DMCA Request." Mangyaring magbigay ng paglalarawan sa email at magsama ng maraming impormasyon hangga't maaari upang maunawaan namin kung ano ang isasama sa pagbawi, kabilang ang mga direktang link sa nilalaman na nais mong maibalik. Kung bibigyan ka ng anumang mga reference na numero, mangyaring isama rin ang mga iyon.

 

Pag-report ng mga paglabag sa copyright sa labas ng Wattpad

Kung may nag-post ng iyong orihinal na kuwento sa Wattpad o imahe sa ibang website, may karapatan kang magsumite ng copyright report. Hindi maaaring mag-report ang Wattpad para sa iyo, kung kaya’t narito ang ilang impormasyon kung paano mo ito gagawin.

Sino ang dapat kong i-contact?


Sa homepage ng website kung saan nakopya ang iyong kuwento, maghanap ng mga tab gaya ng Support, Help, Contact Us o DMCA. Ang mga link na ito ay minsang mahahanap sa pinakataas o pinkababang bahagi ng web page. Depende sa laki at pagkakakilanlan ng website, maaari kang sumagot ng isang online form o magpadala ng email sa support staff ng website.

Tip: Kung hindi mo pa rin mahanap ang tamang contact information, subukang hanapin ang “[pangalan ng website] report copyright” sa pamamagitan ng iyong napiling search engine.

Anong impormasyon ang dapat kong isama?


Kung aatasan ka ng website na sumagot ng form, siguraduhin na isama ang lahat ng hinihinging impormasyon. Sa kabilang banda, kung kinakailangan mong i-contact ang mga web administrator sa pamamagitan ng email, isama ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Ang pamagat ng iyong orihinal na akda, ang petsa kung kailan ito na-post sa Wattpad, at ang direktang link/URL tungo sa iyong kuwento sa Wattpad.
  • Ang pamagat ng kinopyang akda, ang petsa kung kailan ito na-post (kung mayroon man), at direktang link/URL tungo sa page kung saan ito posted.
  • Deskripsyon kung ano ang kinopya (hal. ang bahagi ng kuwento ay kinopya, ang iyong kuwento ay nakopya, pagsasalin nito, atbp.)
  • Humingi ng update sa mga aksyon na nagawa na at magbigay ng gabay kung ano ang pinakamainam na paraan para ma-contact ka (maaari na ang email address)

Kung ikaw ay inatasan na magbigay ng opisyal na Digital Millennium Copyright Act (DMCA) Take-down notice, mangyaring tingnan ang DMCA Section 512(3) Elements of notification para makita kung anong klase ng impormasyon ang kailangan.

Kung ang iyong content ay nilalabag ng isang app at hindi sila tumutugon sa iyong direktang abiso sa pagtanggal, dapat kang maghain ng isa nang direkta sa platform kung saan ito available. Halimbawa, ang Google Play Store o Apple App Store.

Palagi naming inirerekomenda ang pag-save ng kahit na anong orihinal na akdang iyong ginawa sa labas ng Wattpad platform. Sa pagkakataong naisara ang account dahil sa paglabag sa kahit na ano sa aming polisiya, hindi namin ibabalik o ililipat ang story content, na maaaring magsama sa iyong mga orihinal na akda na kasama sa paglabag.

Inirerekomenda rin namin na tingnan ang aming Support Bot kapag naghahanap ng mabilis na sagot! Maaari mong mahanap ang aming bot sa pamamagitan ng pag-click ng icon sa ibabang kanang bahagi ng Help Center (https://support.wattpad.com/hc/en-us), o sa pagtungo sa iyong Settings > Help Center sa app.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
56 sa 64 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.