Ang Wattpad ay may limitasyon kung saan maaari lamang mag-follow ng 1,000 users. Kapag umabot ka na sa limitasyong ito, hindi ka na maaaring mag-follow ng iba pang mga user. Mangyaring pakatandaan na ang nabanggit na limitasyon ay maaaring maging iba para sa mga user na may mas maraming mga follower at may mga espesyal na pagkakataon kung saan ang Wattpad Stars ay maaaring lumampas sa bilang na ito. Ang sumusunod na limitasyon ay maaalis pagkatapos mong makakuha ng 10,000 mga follower sa iyong sariling account. Ang mga limitasyon na ito ay para maiwasan ang spam.
Kung umabot ka na sa limitasyon, kailangan mong mag-unfollow ng ibang mga user upang makapag-follow ng iba pang tao.
Mga hakbang sa pag-troubleshoot
Siguraduhin na na-verify na ang iyong account bago gawin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot. Mahahanap ang iba pang impormasyon tungkol sa pag-verify ng iyong account dito.
Kung nahihirapan ka pa rinng mag-follow ng mga bagong user at hindi ka pa lumalagpas sa mga limitasyon na ito, mangyaring subukan ang mga sumusunod na hakbang:
iOS at Android
- Subukang mag-log out at mag-log in muli, siguraduhing naisara nang tuluyan ang app.
- I-off at i-on ang iyong koneksyon sa Wifi/Data o sumubok ng alternatibong Wifi/Data connection.
- Tingnan kung mayroong bagong updates sa app.
Sa Web
- Subukang mag-log out at mag-log in, siguraduhing naisara mo nang tuluyan ang iyong browser
- Linisin ang cache at cookies ng iyong browser
- Subukang gumamit ng ibang browser gaya ng Firefox, Internet Explorer, o Chrome
Kung hindi pa rin naayos ng pag-troubleshoot ang isyu na ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.