Kung ang iyong mga sariling kuwento ay nailathala na at hindi lumilitaw sa iyong profile, marahil ito ay dahil sa isang error sa koneksyon. Kung ang iba naman ay nakararanas ng problema sa pagtingin sa iyong kuwento, mangyaring hilingin sa kanila na subukan ang mga sumusunod na hakbang sa pag-troubleshoot.
Mangyaring mag-click ng platform para sa mga hakbang sa pag-troubleshoot na dapat mong subukan.
Sa iOS at Android
- I-toggle off at on muli ang iyong koneksyon sa wi-fi/data, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
- Subukang mag-log out at mag-log in muli sa iyong account, siguraduhin na naisara nang tuluyan ang app.
- Subukang i-uninstall at i-reinstall muli ang app.
Sa Web
- I-off at i-on muli ang iyong wireless/wired na koneksyon, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
- Subukang mag-log out sa iyong account, linisin ang cache/cookies ng iyong browser, at mag-log in muli.
- Subukang i-access ang iyong account gamit ang ibang browser gaya ng Firefox o Google Chrome.
Kung ikaw o ang iba ay nakararanas ng problema na makita ang iyong kuwento pagkatapos ng mga hakbang na ito, mangyaring tingnan ang iyong email para makita kung ang iyong kuwento ay natanggal dahil sa paglabag sa aming Mga Alituntunin sa Nilalaman. Kung hindi ka nakatanggap ng email, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.