Skip to Content

Paano mag-report ng isyu sa Wattpad

Nagsusumikap ang Wattpad staff na makagawa ng isang bug-free na platform para sa mga mambabasa at manunulat kung saan maaari silang bumuo at magbasa ng magagandang mga kuwento, ngunit kung may karanasan ka sa Wattpad website o mga mobile Wattpad app na hindi naaayon sa iyong inaasahan, ang guide na ito ay makatutulong sa iyo upang maresolba ang iyong isyu.

I-click ang platform para sa karagdagang detalye.

Sa Web

  1. Bisitahin ang Wattpad Help Center https://support.wattpad.com at hanapin ang mga artikulo na makasasagot ng kahit anong problema na iyong nararanasan sa Wattpad website.
  2. Kung hindi mo mahanap ang solusyon sa isyu na iyong nararanasan, magpadala lamang ng report sa Wattpad Support:  https://support.wattpad.com/hc/fil/requests/new
  3. Piliin ang ‘May isang bagay na hindi gumagana (Mag-ulat ng isang bug) mula sa menu sa kaliwa.
  4. Magsumite ng form at magsama ng maraming detalye hangga’t maaari, kabilang kung nasaan ang isyu sa website at kung paano mo nahanap ang bug. Mangyaring magsama rin ng mga screenshot ng isyu.
  5. Makatatanggap ka ng email na nagkukumpirmang natanggap na ito ng Wattpad Support team. Isang miyembro ng Wattpad Support team ang magpa-follow up sa iyo tungkol sa estado ng iyong report.

Sa iOS

  1. Bisitahin ang iyong profile page at pindutin ang gear sa itaas na kanang bahagi.
  2. Piliin ang ‘Help Center’ mula sa listahan.
  3. Kung naka-enable ang iyong ‘Shake for Help’, pumunta kung nasaan ang isyu at alugin ang iyong device. Dadalhin ka rin nito sa Help Center. Kung iyong napagdesisyunan na magpadala ng support ticket mula roon, awtomatiko itong magpapadala ng screenshot sa amin para masimulan ng Support team ang pag-iimbestiga sa iyong isyu.
  4. Mayroon tatlong opsyon na maaaring pagpilian sa Help Center.
  • Learn how to use Wattpad - Piliin ang opsyon na ito upang mabuksan ang Wattpad Help Center website. Dito, maaari kang maghanap ng mga kasagutan kung paano gawin ang mga bagay sa Wattpad gaya ng pagpapalit ng profile picture, pagre-report ng kuwento, at iba pang mga katanungan sa paggamit.
  • Message our Virtual Helper - Mangyaring i-chat ang aming Virtual Helper na kaya kang tulungan nang mabilisan sa mga isyu na iyong hinaharap!
  • Solve a problem - Piliin ang opsyon na ito kung mayroon kang isyu sa paggamit ng Wattpad iOS app. Bibigyan ka ng listahan ng aming known issues. Ang pagpili ng ‘Tell us more’ ay hahayaan kang makita ang mga artikulo na maaaring makatulong sa iyong mga katanungan. Kung ang mga katanungan na ito ay hindi inilalarawan ang isyu na iyong nararanasan, maaari mong pindutin ang ‘I still need help’ upang ilarawan ito nang detalyado sa amin. Ang pagpindot sa ‘Report’ ay hahayaang mapaidala ito sa Wattpad Support Team kung saan ito ang susuriin ng miyembro ng aming team.

Sa Android

  1. Bisitahin ang iyong profile page at piliin ang gear icon sa itaas na kanang bahagi.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
267 sa 423 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.