Skip to Content

Nawalan ng access sa email na naka-link sa iyong account?

Kung nakalimutan mo ang email address na naka-link sa iyong account o nawalan ka ng access dito, maraming mga paraan na maaari mong subukan upang malaman ang naka-link na email.

Mangyaring pakatandaan na hindi kami nagsisiwalat ng kahit na anong impormasyon tungkol sa account nang hindi nakipag-uugnayan sa amin ang naka-link na email address, kasama rito kung ano ang tamang email.


Nakalimutan ang iyong email

Ito ang iyong mga pagpipilian kung nakalimutan mo ang iyong email address:

Tingnan ang Settings page

Kung naka-log in ka pa rin sa iyong account o kung alam mo pa rin ang iyong password, maaari kang tumungo sa iyong settings page at tingnan ang naka-link na email address na makikita roon.

Maaari mong i-access ang iyong settings page sa pamamagitan ng pagbabasa ng gabay na ito: Pagpapalit ng Iyong Email

Pag-reset ng iyong password

Kung matagumpay mong padadalhan ang iyong sarili ng password reset email, nalaman mo ang naka-link na email address. Ang mga email ay maipadadala lamang sa isang email address kung ito ay naka-link sa isang account.

Maaari mong subukan kung ang email address ay naka-link sa isang account sa pamamagitan ng pagsubok ng pagpapadala ng password reset email dito.

  1. Tumungo sa https://www.wattpad.com/forgot
  2. I-type ang email address
  3. I-click o i-tap ang Magpdala ng instruction

Kung nakatanggap ka ng error message ‘User not found’, walang account na naka-link sa email address na iyon. Kung hindi mo natanggap ang iyong mga hakbang sa pag-reset ng password sa loob ng 24 oras, mangyaring makipag-ugnayan sa Support at matutulungan ka nila.


Nawalan ng access sa email account

Kung ikaw ay na-log out sa iyong Wattpad account at walang access sa email na naka-link, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-click sa I-activate ang aming Virtual Helper sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito, at sabihin ang "Nawalan ako ng access sa aking email" o maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.

Mangyaring pakatandaan, tatangunin ka namin ng mga katanungang ang may-ari lamang ang makaaalam, at ang hindi pagbibigay ng wastong sagot ay nangangahulugang hindi namin kayo matutulungang maibalik ang access sa account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
201 sa 672 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.