Kung nakalimutan mo ang email address na naka-link sa iyong account o nawalan ka ng access dito, maraming mga paraan na maaari mong subukan upang malaman ang naka-link na email.
Mangyaring pakatandaan na hindi kami nagsisiwalat ng kahit na anong impormasyon tungkol sa account nang hindi nakipag-uugnayan sa amin ang naka-link na email address, kasama rito kung ano ang tamang email.
Nakalimutan ang iyong email
Ito ang iyong mga pagpipilian kung nakalimutan mo ang iyong email address:
Tingnan ang Settings page
Kung naka-log in ka pa rin sa iyong account o kung alam mo pa rin ang iyong password, maaari kang tumungo sa iyong settings page at tingnan ang naka-link na email address na makikita roon.
Maaari mong i-access ang iyong settings page sa pamamagitan ng pagbabasa ng gabay na ito: Pagpapalit ng Iyong Email
Pag-reset ng iyong password
Kung matagumpay mong padadalhan ang iyong sarili ng password reset email, nalaman mo ang naka-link na email address. Ang mga email ay maipadadala lamang sa isang email address kung ito ay naka-link sa isang account.
Maaari mong subukan kung ang email address ay naka-link sa isang account sa pamamagitan ng pagsubok ng pagpapadala ng password reset email dito.
- Tumungo sa https://www.wattpad.com/forgot
- I-type ang email address
- I-click o i-tap ang Magpdala ng instruction
Kung nakatanggap ka ng error message ‘User not found’, walang account na naka-link sa email address na iyon. Kung hindi mo natanggap ang iyong mga hakbang sa pag-reset ng password sa loob ng 24 oras, mangyaring makipag-ugnayan sa Support at matutulungan ka nila.
Nawalan ng access sa email account
Kung ikaw ay na-log out sa iyong Wattpad account, ngunit natatandaan ang iyong lumang email, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito. Mangyaring pakatandaan, tatangunin ka namin ng mga katanungang ang may-ari lamang ang makaaalam. Ang hindi pagbibigay ng wastong sagot ay nangangahulugang hindi namin mai-unlock ang iyong account.
Magpalit ng Email
Kung nawalan ka ng access ngunit alam mo pa rin ang iyong password at naka-log in ka sa Wattpad, mangyaring palitan ang iyong email: Palitan ang Iyong Email
Makipag-ugnayan sa Service Provider
Kung nakalimutan mo ang iyong password at hindi mo ma-access ang email address na ginamit mo upang mag-sign up, mangyaring sumulat sa iyong email service provider upang magkaroon ng access sa email account na iyon.
Ito ang ilan sa mga link para sa paghingi ng tulong sa ilang mga sikat na email service provider:
- Gmail: http://bit.ly/1GSc5gO
- Yahoo: http://yhoo.it/1FqeQUC
- Hotmail: http://bit.ly/19OWQb2
- iCloud: http://apple.co/1HzE3As
Kung nakalimutan mo ang iyong password at wala kang access sa iyong email account, hindi namin maibibigay ang account sa iyo. Kasama rito ang mga naka-register na account na may maling pagkaka-type ng email address o mga ginawa gamit ang pekeng email address.
Kapareho rin ang mangyayari kung ikaw ay nagsara ng account at nakalimutan o wala nang access sa naka-link na email address; sa kasamaang palad, hindi namin mabubuksang muli ang account.
Naiintindihan namin na nakaiinis ito, ngunit ang patakarang ito ay nakatutulong upang panatilihing ligtas ang mga account sa Wattpad. Maaari kang gumawa ng bagong account at patuloy na masiyahan sa Wattpad mula roon.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.