Skip to Content

Mga Alituntunin sa Kaligtasan ng Komunidad

Ang komunidad ng Wattpad ay magkakaiba at palaging lumalago. Nais naming makasiguro na ang komunidad ay ligtas, at masaya, kung kaya’t ang lahat ay may oportunidad na magbahagi ng mga kuwento sa iba.

Para mangyari ito, bumuo kami ng ilang mga alituntunin para sa komunidad na nais naming ibahagi sa iyo.

 

Ang Wattpad ay Pampubliko

Ang lahat ng naka-post sa Wattpad—mga kuwento man o mensahe—ay nagiging bahagi ng isang pampublikong network. Ang kahit na anong i-post o ilathala mo sa Wattpad, o isulat sa profile ng iba, ay maaaring makita ng kahit na sino sa internet. Bago ka mag-post ng personal na impormasyon o mga ideya, tanungin mo ang sarili mo “Ayos lang ba sa akin na makita ito ng aking mga magulang o mga guro?” dahil maaaring mahanap nila ito.

 

Panatilihing Pribado ang iyong Personal na Impormasyon

Pinakamainam na panatilihin ang iyong personal na impormasyon sa iyong sarili. Dahil sa pampublikong likas na katangian ng Wattpad, ang anumang bagay na iyong i-post ay maaaring kopyahin, ipakalat, i-repost, o makita sa mga paraang hindi mo inaasahan o sinasadya. Kung nais mong panatilihing pribado ang isang bagay, huwag mong i-post ito. Respetuhin din ang privacy ng ibang tao sa pamamagitan ng hindi pag-post ng kanilang pribadong impormasyon.

 

Ang Mute Function

Mayroong maraming paraan para makipag-usap sa ibang tao sa Wattpad. Gustong-gusto namin kapag sinusuportahan ng mga Wattpadder ang bawat isa at nagbabahagi ng mga tip at feedback. Upang panatilihing positibo ang mga bagay, pag-isipan ang mga mensaheng iyong pino-post, at palaging tanungin ang iyong sarili “matutuwa ba ako kapag nakatanggap ako ng ganitong klase ng mensahe?”.

Kung may ibang Wattpadder na hindi ka komportable sa mga mensahe o post, mayroong ilang madaling paraan upang harapin ang sitwasyon. Maaari mong burahin ang kanilang mga komento sa iyong profile o mga kuwento. Maaari mo ring gamitin ang mute function upang mapatigil sila sa pakikipag-ugnayan sa iyo. At, kung ikaw ay may seryosong problema sa ibang Wattpader, maaari kang magsumite ng report.

 

Pagtulong sa isang Kaibigan

Kung ikaw ay nababahala sa isa sa iyong mga kaibigan na nakararanas ng bullying, depression, o self-harm, palaging nakatutulong ang paglapit sa kanila at magpakita ng suporta. Sa mga kaso tungkol sa self-harm, dapat mo rin itong i-report sa Wattpad Trust & Safety team.

Kung ikaw ay kinakaharap na mga pagsubok, magsimula sa pakikipag-usap sa isang nakatatandang pinagkakatiwalaan mo, maaaring ito ay isang magulang, guro, o kaibigan. Para sa karadagang tulong, tingnan ang aming Sanggunian sa Suporta, at tandaan na ang cyberbullying ay kasing-seryoso ng pisikal na bullying, at dapat ay palaging pag-usapan ito kasama ang isang pinagkakatiwalaang nakatatanda.

 

Mga tip para sa Seguridad sa Wattpad

  1. I-report ang mga paglabag at mapang-abusong mga post.
  2. Huwag ibahagi ang iyong password sa kahit na sino (kahit na sa mga taong nagpapakilala bilang Wattpad staff).
  3. Iwasang magbahagi ng mga personal na impormasyon.
  4. Basahing muli ang Mga Alituntunin sa Pag-uugali at Mga Alituntunin sa Nilalaman.

Tandaan, ikaw ay dapat 13 taong gulang pataas upang magkaroon ng Wattpad account.

 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
32 sa 35 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.