Paminsan-minsan, naaantala ang mga email notification ng Wattpad. Ngunit kung hindi ka nakatatanggap ng anumang mga notification sa email, may ilang hakbang na maaari mong gawin upang i-troubleshoot ang isyu.
*Tandaan: Kung hindi ka nakatatanggap ng mga email sa pag-verify, mangyaring magsumite ng request sa Support,
- I-off ang iyong mga notification setting at i-save ang mga pagbabagong ito, pagkatapos ay mag-logout at maghintay ng ilang minuto bago mag-log in at muling i-on ang mga notification. Para baguhin ang iyong mga setting notification:
- I-click ang iyong username sa itaas na navigation bar.
- Piliin ang Mga Setting mula sa drop-down menu.
- I-click ang tab ng Mga Notification malapit sa tuktok ng page sa tabi ng Account.
- Piliin o alisin sa pagkakapili ng mga notification base sa iyong mga kagustuhan, pagkatapos ay i-click ang I-save.
- Tingnan ang iyong (mga) folder ng spam/junk, gayundin ang iba pang mga tab gaya ng mga tab na ‘Promotion’ at ‘Social’ kung sakaling ma-redirect doon ang mga email ng Wattpad.
- Kung nalaman mo na ang mga Wattpad email ay nire-redirect sa iyong spam/junk folder, mangyaring idagdag ang sumusunod na email address sa iyongwhitelist or safe senders list: no-reply@wattpadmail.com
Kung hindi ka pa rin nakatatanggap ng mga notification sa email, mangyaring magsumite ng request sa Support. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang isang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito. Siguraduhing sumulat sa amin mula sa email na naka-link sa iyong Wattpad account.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.