Skip to Content

Mga isyu sa Reading List

Kung may nawawalang mga kuwento sa iyong Reading List o nagkakaroon ka ng problema sa pagbubura ng mga kuwento mula sa iyong Reading List, mangyaring pumili ng platform para sa iba pang impormasyon.

Sa iOS at Android

Subukang mag-log in sa web version ng Wattpad sa www.wattpad.com upang i-check kung nakararanas ka ng kaparehong isyu roon. Kung hindi, mangyaring siguruhin na ang iyong internet connection ay stable, pagkatapos ay subukan ang mga sumusunod:

  1. Subukang mag-log out at mag-log in muli, siguraduhing naisara nang tuluyan ang app.
  2. Subukang i-uninstall at i-install muli ang app.
  3. Sumubok ng alternatibong Wi-Fi network o, kung posible, ibang data network. Maaaring ang iyong internet connection ay mahina o pahinto-hinto.

Sa Web

  1. Kung ikaw ay gumagamit ng website, mangyaring mag-log out sa Wattpad, subukang i-clear ang cache/cookies ng iyong browser, pagkatapos ay mag-log in muli upang matingnan kung nandoon pa rin ang isyu.
  2. Kung nararanasan mo pa rin ang isyu at hindi mo pa nasusubukan, mangyaring subukang gamitin ang iba pang mga browser gaya ng Firefox, o Google Chrome.

 

May problema sa pagbubura ng iyong buong Reading List?

Kapag gumawa ka ng iyong Wattpad Account, ang isang default na Reading List ay nalilikha at ito ay hindi mabubura. Habang hindi posibleng burahin ang iyong orihinal na Reading List, maaari kang magbura ng mga kuwento sa Reading List na iyon. Kung ang iyong default Reading List ay wala ng laman, hindi na ito makikita ng iba pang mga Wattpadder.

Kung sinusubukan mong burahin ang iba pang Reading List na iyong ginawa at nakararanas ka ng mga isyu rito, mangyaring subukan ang general troubleshooting steps na nabanggit sa itaas.

Kung hindi ka pa rin natulungan nito sa isyu na ito, mangyaring magsumite ng ticket gamit ang support at malugod namin kayong aalalayan. Siguraduhing sumulat sa amin gamit ang email na naka-link sa iyong account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
42 sa 140 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.