Skip to Content

Pagre-report ng mga komento sa kuwento at profile

Ibinabahagi ng komunidad ng Wattpad ang kanilang hilig sa pagbabasa at pagsusulat sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa bawat isa sa pamamagitan ng mga komento at mensahe. Ang pagre-react sa mga pangyayari sa kuwento, pagbibigay ng nakatutulong at magalang na feedback upang matulungang mapagbuti ng iba ang kanilang pagsusulat, o pakikipag-collaborate sa iba pang mga manunulat ay ilan lamang sa mahuhusay na paraan kung paano nagagamit ang mga komento sa komunidad.

Hinihikayat namin kayo na i-report ang mga komentong tungkol sa mga sumusunod:

  • Cyberbullying at harassment
  • Karahasan o pananakit sa sarili
  • Mapoot na pananalita 
  • Tahasang sekswal na nilalaman
  • Paglalabas ng personal na impormasyon

Sa web:

Mga Komento sa Kuwento

  1. Buksan ang komentong nais mong i-report.
  2. Pindutin ang tatlong tuldok sa itaas na kanang bahagi ng comment box.
  3. Ang isang drop-down menu ay lilitaw. Pindutin ang 'I-report ang Komento'.
  4. Pumili ng isa sa walong dahilan kung bakit inire-report mo ang komentong ito at pindutin ang 'Susunod'.
  5. Magbigay ng detalye kung bakit mo inire-report ang komentong ito, at pindutin ang 'Isumite ang Report'.
  6. Ang report ay makararating sa Wattpad Support team, at susuriin ito ng isang miyembro ng aming team. Makikipag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa status ng iyong report.

Mga komento sa Profile

  1. Hanapin ang komentong nais mong i-report.
  2. Pindutin ang tatlong tuldok sa itaas na kanang bahagi ng comment box.
  3. Ang isang drop-down menu ay lilitaw. Pindutin ang 'I-report ang mensahe'.

Sa iOS at Android app:

Mga komento sa Kuwento

  1. Hanapin ang komentong nais mong i-report.
  2. Pindutin nang matagal ang komento
  3. Isang menu ang lilitaw. Pindutin ang 'I-report ang Komento'.
  4. Pumili ng isa sa walong dahilan kung bakit inire-report mo ang komentong ito, at pindutin ang 'Susunod'.
  5. Magbigay ng detalye kung bakit mo inire-report ang komentong ito, at pindutin ang 'Isumite ang Report'.
  6. Ang report ay makararating sa Wattpad Support team, at susuriin ito ng isang miyembro ng aming team. Makikipag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa status ng iyong report.

Mga komento sa Profile

  1. Hanapin ang komentong nais mong i-report.
  2. Pindutin ang tatlong tuldok sa itaas na kanang bahagi ng comment box.
  3. Ang isang drop-down menu ay lilitaw. Pindutin ang 'I-report ang mensahe'.
  4. Pumili ng isa sa walong dahilan kung bakit inire-report mo ang komentong ito, at pindutin ang 'Susunod'.
  5. Magbigay ng detalye kung bakit mo inire-report ang komentong ito, at pindutin ang 'Isumite ang Report'.
  6. Ang report ay makararating sa Wattpad Support team, at susuriin ito ng isang miyembro ng aming team. Makikipag-ugnayan kami sa iyo tungkol sa status ng iyong report.
  7. Bibigyan ka ng opsyon na i-mute ang user. Mayroong impormasyon tungkol sa pag-mute sa 'Pag-mute o Pag-unmute ng Isang User

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
34 sa 54 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.