Skip to Content

Shared accounts

Alam naming gusto ng mga Wattpader na makipag-collaborate upang makalikha ng kapana-panabik na mga bagong kuwento. Ang isang account na ginagamit ng lagpas sa isang Wattpadder ay isang shared account.

Sa kasamaang palad, ang isyu sa mga shared account ay hindi namin sila matutulungan sa parehong paraan ng pagtulong namin sa mga normal na account. Ito ay dahil ang dalawang piraso ng seguridad na nagbibigay pahintulot sa kahit na anong account ay ang password at email address. Kung ibinabahagi mo ang dalawang ito, nagiging mahirap para sa amin na tulungan ka habang pinananatiling ligtas ang account.

Subalit, hindi namin pinipigilan ang mga Wattpadder na gumawa ng mga shared account. Ito ang isang listahan ng pinakamainam na paraan upang panatilihing ligtas at gumagana ang iyong account:

  1. Ayusin kung sino lamang ang may alam ng password at siguraduhing hindi ito ibinabahagi sa iba pa.
  2. Siguraduhing ang lahat ng nasa account ay sumasang-ayon kapag pinalitan o ni-reset ang password at/o ang naka-link na email address.
  3. Subukang limitahan ang bilang ng mga Wattpadder na may access sa account sa 2 o 3. Kapag mas marami ang may alam ng password at/o naka-link na email address, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagtatalo at hindi pagkakasundo-sundo sa naturang account.
  4. Kung ikaw o ang iba pang nasa account ay palaging nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan, palaging subukang ayusin ito (online man o offline) sa inyong mga sarili muna.
  5. Kapag nagre-report ng bug, siguraduhing isa lamang sa mga may-ari ng account magre-report nito. Matutulungan namin kayo sa pag-aayos, ngunit hindi nangangahulugan na mas maraming ticket ay mas mabilis na matutulungan.

Mangyaring pakatandaan: Kung nakipag-ugnayan ka sa support tungkol sa pagtatalo sa account, mapipilitan kaming isara ito at wala nang pagkakataong maibalik ito o ang mga akdang narito.

Tandaan na sa kahit na anong account, ang access sa naka-link na email address ang pinakamahalagang bagay. Kung nakalimutan mo ito o nawalan ka ng access dito, hindi ka namin matutulungang magkaroon muli ng access sa account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
50 sa 73 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.