Kung nagkakaroon ka ng problema sa pagbalik ng iyong account, subukan ang mga hakbang na ito:
Step 1: Invalid Username
Kung hindi ka sigurado sa iyong username, subukang mag-log in gamit ang email na naka-link sa iyong account sa pag-sign in.
Step 2: Nakuha na ang username
Hanapin ang username na gusto mo sa Wattpad sa ganitong paraan, palitan ang “yourusername” gamit ang username na hinahanap mo: https://www.wattpad.com/yourusername
Kung may profile page na ipinakita at hindi ito sa iyo, ito ay dahil may iba nang user na kumuha sa username, at hindi mo na maibabalik ang iyong account.
Step 3: Nakuha na ang email
Ang email sa iyong naisarang account ay maaaring nai-link na sa isang aktibong Wattpad account.
Upang matingnan kung ang email ay naka-link sa isang aktibong account, tumungo sa http://www.wattpad.com/forgot at i-type ang iyong email address. Kung nakatanggap ka ng password reset email, ito ay dahil naka-link ang email sa isang aktibong account.
Mangyaring pakatandaan, hindi ka maaaring magkaroon ng higit sa isang aktibong account gamit ang kaparehong email! Kailangan mong palitan ang email sa aktibong account o isara ang aktibong account upang maibalik ang iyong naisarang account.
Step 4
Sa ilang pagkakataon, ang mga account ay tinatanggal ng Wattpad dahil sa paglabag sa aming mga alituntunin. Mangyaring tingnan ang iyong email para sa kahit na anong mensahe mula sa Wattpad tungkol sa posibleng pagsasara ng account. Mangyaring paakitandaan na hindi tatanggalin ng Wattpad ang mga account na inabandona o hindi na-update. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa naburang nilalaman, mangyaring tingnan ang artikulong: Maaari kong bang maibalik ang isang naburang kuwento?
Step 5
Kung ang iyong account ay naisara na nang higit sa anim na buwan, ito ay permanente nang mabubura. Sa loob ng anim na buwan pagkatapos ng pag-deactivate, posible pa ring ibalik ang iyong account kung ito ay hindi sinasadya o maling na-deactivate, kabilang ang muling pag-uugnay ng iyong mga komento at kontribusyon sa iyong profile. Pagkalipas ng anim na buwan, permanente na naming buburahin ang iyong Personal na Impormasyon sa aming mga system, at ang tanging mananatili sa Service ay ang iyong walang pangalan na mga komento at kontribusyon.
Kung wala sa mga nabanggit sa itaas ang nalalapat sa iyong sitwasyon, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Siguraduhin na ang email na iyong gagamitin sa pagsulat sa amin ay ang email na naka-link sa iyong account.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.