Mga isyu sa pagkopya at pag-paste sa Wattpad
Kung nakararanas ka ng mga isyu sa pag-format kapag nagka-copy at nagpe-paste sa Wattpad, narito ang ilang suhestyon:
- Subukang mag-copy at mag-paste gamit ang web version ng Wattpad (www.wattpad.com). Mas madalas ang mga isyung ito kapag nagka-copy at nagpe-paste gamit ang app.
- Subukang i-copy ito mula sa Google Docs. Inirerekomenda din namin ang paggamit ng Google Docs upang gumawa ng mga draft at i-copy ang mga ito sa Wattpad sa pamamagitan ng website. Kung gumagamit ka ng ibang application para isulat ang iyong kuwento, gaya ng Word o Notes, maaari mo pa ring i-copy ang content mula roon at i-paste ito sa Google Docs, bago ulitin ang proseso sa Wattpad.
- Subukang gumamit ng ibang browser. Halimbawa, kapag gumagamit ng Internet Explorer o Mozilla Firefox, maaari mong makita na ang iyong pag-format ay mawawala kapag ang iyong gawa ay nai-paste sa Wattpad (ibig sabihin, style formatting at spacing/alignment).
Ang mga em dash ay nagiging mga gitling
Alam namin na ang mga em dash ay maaaring maging mga gitling pagkatapos mag-publish ng kuwento, at iniimbestigahan na namin ang isyu. Gayunpaman, wala kaming timeline kung kailan ito maaayos, at kasalukuyang walang available na solusyon.
Kung nakararanas ka ng ibang isyu sa pag-format, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.