Kung nakararanas ka ng problema sa pagkopya ng iyong akda mula sa ibang source tungo sa Wattpad, maaaring ito ay dahil sa ilang kadahilanan. Mangyaring i-click ang nasa ibaba para sa iba pang impormasyon.
Mga Isyu sa Browser
- Maaari kang makaranas ng iba’t ibang isyu sa pagkopya at pag-paste gamit ang app, kaya aming inirerekomenda ang paggamit ng web version ng Wattpad sa tuwing kinokopya mo ang iyong akda.
- Amin ding inirerekomenda ang paggamit ng Google Chrome o Mozilla Firefox bilang iyong browser
- Mangyaring pakatandaan na sa ibang browsers gaya ng Internet Explorer, maaari matanggal ang iyong formatting matapos mong i-paste ang iyong akda sa Wattpad (hal. style formatting at space/alignment). Sa mga ganitong pagkakataon, mangyaring subukan ang pangalawang hakbang sa itaas upang makita kung mararanasan pa rin ang parehong isyu. Kung hindi ito gumana, kakailanganin mong i-reformat ang iyong akda sa oras na i-paste mo ito sa Wattpad.
Source
- Aming inirerekomenda ang paggamit ng Google Docs sa tuwing kinokopya mo ang iyong akda sa tungo sa Wattpad
- Mangyaring pakatandaan na sa ilang word editing tools (gaya ng Microsoft Word), maaaring matanggal ang iyong formatting matapos mong i-paste ang iyong akda sa Wattpad (hal. style formatting at space/alignment). Sa mga ganitong pagkakataon, mangyaring subukan ang unang hakbang sa itaas upang makita kung mararanasan pa rin ang parehong isyu. Kung hindi ito gumana, kakailanganin mong i-reformat ang iyong akda sa oras na i-paste mo ito sa Wattpad.
Kung hindi pa rin ito makatutulong sa iyo sa isyung ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.