Minsan, kapag nag-log in ka sa iyong account, mapapansin mo na ang iyong Library o Reading List ay may nawawalang ilang kuwento o kaya naman ay wala itong laman.
Ang unang hakbang ay subukang i-sync ang iyong Library. Kung hindi ka sigurado kung paano gawin ito, mangyaring basahin ang aming gabay: Pag-sync/Pag-update ng iyong Library
Mga hakbang sa pag-troubleshoot
Kung hindi gagana ang pag-sync, mangyaring subukan ang mga hakbang na ito upang matukoy ang kahit na anong isyu ukol sa iyong internet connection o sa mismong app.
On Sa iOS at Android
Kung kaya mo, siguraduhin na ang iyong internet connection ay stable, pagkatapos ay subukan ang mga sumusunod:
- Mag-log out at mag-log in muli, siguraduhing naisara nang tuluyan ang app
- Isara ang iyong Wi-Fi connection at buksan muli ito
- Subukan ang data connection imbes na Wi-Fi
- Tingnan kung may bagong bersyon ng app at i-download ang update kung meron man
- Mag-log in sa web version ng Wattpad sa www.wattpad.com para matingnan kung makikita mo ang mga nawawalang kuwento roon
On Sa Web
- Mag-log out at mag-log in muli
- Burahin ang cache at cookies ng iyong browser
- Subukang gumamit ng ibang browser gaya ng Firefox o Google Chrome
Kung hindi mo pa rin mahanap ang isang kuwento, subukang makipag-ugnayan sa may-akda upang malaman kung tinanggal nila ang kuwento.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.