Skip to Content

Ang mga notification ay naaantala o hindi dumarating

Paminsan-minsan, ang mga notification sa Wattpad ay naaantala o hindi napadadala bilang resulta ng isang outage. Mula sa aming karanasan, ang mga notification ay napadadala rin kalaunan. Patuloy kaming magsusumikap upang mapabuti ang performance sa aming parte, at hinihiling namin ang inyong pasensya habang ginagawa namin ito.

Maaari mong tingnan ang aming Status Page dito upang makita kung mayroong kasalukuyang outage na maaaring nakaaapekto sa pagpapadala ng mga notification.

Kung walang outage at hindi ka pa rin nakatatanggap ng mga feed o push notification, mangyaring piliin ang iyong device sa ibaba at sundin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot:

Sa iOS & Android

  1. Isara ang iyong mga notification setting at i-save ang mga pagbabagong ito, pagkatapos ay mag-logout at maghintay ng ilang minuto bago mag-log in at muling i-on ang mga notification. 
  2. I-toggle ang iyong wi-fi/data connection pasara at buksan muli, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
  3. Subukang i-uninstall at i-reinstall ang app.

Sa Web

  1. I-toggle ang iyong wi-fi/data connection pasara at buksan muli, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
  2. Subukang mag-logout sa iyong account, burahin ang cache/cookies ng iyong browser, at mag-login muli
  3. Subukang i-access ang iyong account gamit ang ibang browser gaya ng Firefox o Google Chrome

Kung hindi ka nakatatanggap ng mga notification sa email, mangyaring tingnan ang aming artikulong Hindi nakatatanggap ng mga notification sa email.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
93 sa 279 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.