Skip to Content

Naantalang pagdating o walang mga notification

May ilang pagkakataon na naaantala ang mga notification o hindi ito nakikita dulot ng isang outage.

Paminsan-minsan, nakararanas tayo ng pagkaantalang nagdudulot ng mas matagal na pagdating ng mga notification, kasama ang mga story update notification. Mula sa aming karanasan, kalaunan ay dumarating din ang mga notification. Patuloy kaming magtatrabaho para pagbutihin ang performance sa aming parte, at aming hinihiling ang iyong pasensya habang ginagawa namin ito.

Maaari mong tingnan ang aming Status Page dito para makita kung may kasalukuyang outage na maaaring nakaaapekto sa pagdating ng mga notification. 

Kung nakararanas ka pa rin ng isyu, mangyaring subukan ang mga hakbang sa ibaba:

Sa iOS at Android 

  1. Patayin ang iyong notification settings at i-save ang mga pagbabagong ito at maghintay ng ilang minuto bago ito muling i-on.
  2. I-off at i-on muli ang iyong koneksyon sa wi-fi/data, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network
  3. Subukang mag-log in at mag-log out sa iyong account, siguraduhin na naisara nang tuluyan ang app.
  4. Subukan ang pag-uninstall at pag-reinstall ng app.

Sa Web

  1. Patayin ang iyong notification settings at i-save ang mga pagbabagong ito at maghintay ng ilang minuto bago ito muling i-on.
  2. I-off at i-on muli ang iyong wireless/wired na koneksyon, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network
  3. Subukang mag-log in at mag-log out sa iyong account, linisin ang cache/cookies ng iyong browser at mag-log in muli
  4. Subukang buksan ang iyong account gamit ang ibang browser tulad ng Firefox o Google Chrome

Kung ikaw ay nagpapadala ng ticket sa Support, mangyaring ilagay kung anong klase ng notification ang iyong hindi natanggap o naantala.

Narito ang tatlong klase ng mga notification sa Wattpad:

  • Email notifications
    • Mga Komento, Announcements, Pribadong mensahe, Updates sa kuwento, Mentions, Bagong mga Follower
  • Push notifications (Mga alert na nakikita sa labas ng App)
    • Mga Komento, Announcements, Pribadong mensahe, Updates sa kuwento, Mentions, Bagong mga Follower
  • Mga pangyayari sa iyong Notifications Feed (sa app o sa web)
    • Mga Komento, Announcements, Pribadong mensahe, Updates sa kuwento, Mentions, Bagong mga Follower
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
80 sa 249 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.