Kung nakararanas ka ng problema sa pagbabasa ng mga komento, maaaring kailangan mong gawin ang mga sumusunod na mga hakbang.
- Kung hindi mo mabasa ang mga komento pagkatapos i-click ang notification ng komento, mangyaring tingnan kung kaya mong i-access nang direkta ang komento sa pamamagitan ng pagpunta sa aktwal na kabanata.
- Kung hindi mo pa rin nakikita ang komento sa kabanata, ito marahil ay dahil sa pagbura nito ng Wattpadder na nagsulat ng komento, o ng manunulat ng kuwento. Ang pagbura ng komento ay isang permanenteng aksyon at ang mga nabura na mga komento ay hindi na accessible sa manunulat o ibang mambabasa.
Kung nakararanas ka pa rin ng isyu, mangyaring tingnan ang mga hakbang sa ibaba para makatulong sa pag-troubleshoot ng isyu na iyong nararanasan. Ito’y maaaring isang pansamantalang isyu sa koneksyon.
Pumili ng platform upang matuto nang higit pa.
Sa iOS at Android
- I-off at i-on muli ang iyong koneksyon sa wifi/data o subukang kumonekta sa ibang wifi network.
- Subukang mag-log out at mag-log in muli sa iyong account, siguraduhin na naisara nang tuluyan ang app.
- Subukang i-install at i-reinstall ang app.
Sa Web
- I-off at i-ion muli ang iyong wireless/wired na koneksyon o subukang kumonekta sa ibang wifi network.
- Subukang mag-log out sa iyong account, linisin ang cache/cookies ng iyong browser at mag-log in muli.
- Subukang i-access ang iyong account gamit ang ibang browser gaya ng Firefox at Google Chrome.
Kung hindi pa rin naayos ng pag-troubleshoot ang isyu na ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.