Skip to Content

Hindi ako makapagpadala ng mensahe sa ibang user

Kung nakararanas ka ng problema sa pagpapadala ng mensahe sa ibang user, mangyaring sundin lamang ang mga hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba:

  1. Siguraduhin na verified ang iyong account, sapagkat maaari ka lamang magpadala ng mga mensahe gamit ang isang verified na account. Mangyaring tingnan ang sumusunod na gabay para sa impormasyon kung paano ang Pag-verify ng iyong email o account. 
  2. Kung sarado na ang account ng user, hindi ka na makapagpapadala ng mensahe sa kanila.
  3. Kung ikaw ay nakapag-verify na ng email ngunit hindi ka pa rin nakapagpapadala ng mga pribadong mensahe, subukang magpadala ng mensahe sa ibang user upang matingnan kung mayroon pa ring isyu. Kung iyong matutuklasan na hindi ka makapagpadala ng mensahe sa iisang user lamang, maaaring ikaw ay naka-mute o naka-block sa user na iyon. Para sa iba pang impormasyon ukol sa mute function, mangyaring tingnan ang sumusunod na artikulo: Pag-mute o Pag-unmute ng User. Para sa iba pang impormasyon ukol sa block function, mangyaring tingnan ang sumusunod na artikulo: Pag-block o Pag-unblock ng User.
  4. Kung hindi ka makapag-post ng mga pampublikong mensahe o makapagdala ng mga pribadong mensahe, maaaring naabot mo na ang aming limitasyon para sa mga hindi hinihiling na mga mensahe. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa limitasyon na ito, mangyaring tingnan ang artikulong ito: Problema sa pagpapadala ng mga mensahe.

Kung hindi angkop sa iyo ang mga sitwasyon sa itaas, mangyaring i-click ang platform sa ibaba para sa partikular na mga hakbang sa pag-troubleshoot.

Sa iOS at Android 

  1. I-off at i-on muli ang iyong koneksyon sa wi-fi/data, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
  2. Subukang mag-log out at mag-log in muli sa iyong account, siguraduhin na naisara nang tuluyan ang app.
  3. Subukan ang pag-uninstall at pag-reinstall ng pinakabagong bersyon ng app.

Sa Web

  1. I-off at i-on muli ang iyong wireless/wired na koneksyon, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
  2. Subukang mag-log out sa iyong account, linisin ang cache/cookies ng iyong browser, at mag-log in muli.
  3. Subukang i-access ang iyong account gamit ang ibang browser, gaya ng Firefox o Google Chrome.

Kung hindi pa rin ito makatutulong sa iyo sa isyung ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
378 sa 874 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.