Skip to Content

Hindi makapagkomento

Mangyaring tingnan ang sumusunod na mga post para sa impormasyon kung paano magkomento sa isang kuwento: Pag-post o Pagbura ng Komento sa Kuwento. Kung hindi man, mangyaring sundin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba:

  1. Siguraduhin na verified ang iyong account sapagkat maaari ka lamang makapagkomento sa mga kuwento gamit ang isang verified account. Mangyaring tingnan ang aming gabay para sa impormasyon kung paano makapag-verify ng iyong account: Pag-verify ng iyong Email o Account
  2. Kung ikaw ay verified na at hindi pa rin makapagkomento sa mga kuwento, maaaring ikaw ay nagpo-post ng duplikadong komento o ang komento na katulad ng iba na nai-post mo na noon. Sa ganitong kaso, subukang gawing personalized o ibahin ang iyong komento bago i-post ito.
  3. Kung ang iyong komento ay nagawa mo nang personalized ngunit hindi pa rin ito mai-post, mangyaring i-click ang platform sa ibaba para sa partikular na mga hakbang sa pag-troubleshoot.

Sa iOS at Android 

  1. Subukang magkomento sa ibang kuwento para makita kung ang parehong isyu ay magpapatuloy sa ibang kuwento.
  2. I-off at i-on muli ang iyong koneksyon sa wi-fi/data, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
  3. Subukang mag-log out at mag-log in muli sa iyong account, siguraduhin na naisara nang tuluyan ang app.
  4. Subukang i-uninstall at i-reinstall ang app

Sa Web 

  1. Subukang magkomento sa ibang kuwento para makita kung ang parehong isyu ay magpapatuloy sa ibang kuwento.
  2. I-off at i-on muli ang iyong wireless/wired na koneksyon, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
  3. Subukang mag-log out sa iyong account, linisin ang cache/cookies ng iyong browser, at mag-log in muli.
  4. Subukang i-access ang iyong account gamit ang ibang browser, gaya ng Firefox o Google Chrome.

Kung hindi pa rin naresobla ng pag-troubleshoot ang iyong isyu, mangyaring magsumite ng ticket sa pamamagitan ng support at malugod kaming mag-iimbestiga. Mangyaring isama ang partikular na komenta na hindi mo mai-post at ang impormasyon ng kuwento (pamagat ng kuwento at username ng manunulat) para sa kuwentong hindi mo maiwanan ng komento.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
55 sa 189 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.