Skip to Content

Mga Isyu sa pagboto

Mangyaring tingnan ang mga sumusunod na post para sa impormasyon kung paano bumoto sa isang parte ng kuwento: Pagboto sa Kuwento. Kung hindi ka pa rin makaboto, mangyaring tingnan ang mga hakbang na ito:

  1. Siguraduhin na verified ang iyong account. Maaari ka lamang bumoto sa mga kuwento gamit ang verified na account. Tingnan ito para sa iba pang detalye: I-verify ang iyong Email o Account.
  2. Kung verified ang account mo ngunit hindi ka pa rin makaboto, maaaring lumagpas ka na sa limit ng pagboto na 100 na boto sa bawat 24 na oras. Sa ganitong pangyayari, subukang bumoto muli pagkatapos ng 24 oras bago magpadala ng support ticket.
  3. Kung lumipas na ang 24 oras at hindi ka pa rin makaboto, mag-click ng platform sa ibaba para sa tiyak na mga hakbang sa pag-troubleshoot.

Sa iOS at Android 

  1. I-on at off ang iyong koneksyon sa wi-fi/data, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network.
  2. Subukan na mag-log out at mag-log in muli sa iyong account, siguraduhin na naisara nang tuluyan ang app
  3. Subukan ang pag-uninstall at pag-reinstall ng app

Sa Web

  1. I-on at off ang iyong wireless/wired na koneksyon, o subukang kumonekta sa ibang wi-fi network
  2. Subukan na mag-log out at mag-log in sa iyong account, linisin ang cache/cookies ng iyong browser at mag-log in muli

  3. Subukang buksan ang iyong account gamit ang ibang browser tulad ng Firefox o Google Chrome

Kung hindi pa rin naayos ng pag-troubleshoot ang isyu na ito, mangyaring magsumite ng ticket sa pamamagitan ng support at malugod kaming mag-iimbestiga.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
170 sa 230 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.