Kung magbago man ang iyong isip sa mga edit na iyong ginawa sa isang parte ng kuwento, maaari mong ibalik ang mga lumang bersyon ng iyong mga kuwento sa pamamagitan ng revision history. Kung may nawawalang content sa iyong parte, laging nakatutulong ang pagtingin sa revision history sa parehong app at web.
Mangyaring pakatandaan na ang mga revision ay mase-save lamang kapag nagsusulat online.
Pumili ng platform para sa iba pang detalye.
Sa iOS
- I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
- Tumungo sa iyong parte ng kuwento
- I-tap ang Part sa itaas ng screen
- Piliin ang Revision History
- Pumili ng petsa/oras
- I-tap ang Restore sa itaas na kanang bahagi
Sa Android
- I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
- Tumungo sa iyong parte ng kuwento
- I-tap ang More options button sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Revision History
- Pumili ng petsa/oras
- I-tap ang Restore sa itaas na kanang bahagi
Sa Web
- Piliin ang Sumulat sa itaas na navigation bar
- I-click ang Aking Mga Kuwento
- Pumili ng kuwento at tumungo sa parte ng kuwento
- I-click ang More button sa itaas na kanang bahagi
- I-click ang View button
- Pumili ng petsa/oras
- I-click ang Ibalik sa itaas na kanang bahagi
Pag-troubleshoot
Kung nahihirapan kang hanapin ang isang partikular na revision, siguruhing tingnan ang web at app version. Kung hindi mo pa rin makita ang iyong nawawalang content, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.