Skip to Content

Maari ko bang maibalik ang naburang kuwento/parte ng kuwento?

Ang pagbura ng iyong akda sa Wattpad ay isang permanentang aksyon na HINDI na maaaring baguhin. Dahil dito, sa kasamaang palad ay hindi na namin maibabalik ang user-deleted content.

Mga alternatibo sa pagbubura ng iyong akda:

  1. Ibalik ang iyong kuwento sa draft nang sa gayon ay ikaw lamang ang magkakaroon ng access bilang may-akda ng kuwento. Mangyaring tingnan ang sumusunod na post para sa iba pang impormasyon kung paano ito gumagana: Pagbabalik ng kuwento sa draft.
  2. I-save ang iyong akda sa labas ng Wattpad bago piliing permanenteng burahin ito sa Wattpad.

Mga Kuwentong Nabura dahil sa Paglabag sa Mga Alituntunin sa Nilalaman

Kung ang iyong kuwento o parte ng kuwento ay nawawala at hindi mo binura ito, posibleng ito ay aming tinanggal dahil sa paglabag sa aming mga alituntunin. Mangyaring tingnan ang iyong email para sa anumang mensahe mula sa amin. Ayon sa aming Mga Alituntunin sa Nilalaman, ang mga na-report na content dahil sa paglabag sa aming polisiya sa Ipinagbabawal na Content tulad ng paglabag sa copyright o hindi naaangkop na content ay tatanggalin nang walang abiso. Ibig sabihin nito, ang anumang content na natanggal sa kadahilanang ito ay hindi na maibabalik. Siguruhing i-review ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman upang makita kung anong klase ng content ang naaangkop sa Wattpad.


Pag-Troubleshoot

Kung ikaw ay nagkakaroon ng problema sa pagtingin sa iyong kuwento at hindi ka nakatanggap ng email mula sa amin, mangyaring basahin ang aming artikulo sa pag-troubleshoot ng mga isyu sa website at pag-troubleshoot ng mga isyu sa mga app.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
231 sa 649 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.