Habang ginagamit ang Wattpad, maaaring may makita kang iba’t ibang uri ng error messages. Ito marahil ay dulot ng mga bug, mga isyu sa koneksyon, mga isyu sa server, o maaaring ipinapaalam nila sa iyo kung paano gumagana ang isang feature. Ang gabay na ito ay para matulungan kang mas maintindihan ang mga error message na ito, maging ang makapagbigay ng mga hakbang kung paano mareresolba ang mga ito.
Ang mga sumusunod na error codes ay madalas na makikita tuwing nakararanas ang Wattpad ng outage:
- 500 - Service Error
- 502 - Bad Gateway
- 503 - Service Unavailable
- 504 - Gateway Timeout
- 995 - Network Timeout
- Error - 1000
- Nagkaroon ng error. Kami ay humihingi ng paumanhin!
- Error 11
- Error code: -998
- Upstream request timeout
- Wattpad is currently over capacity. Thank you for your patience while we work to get the site back up.
Kung makita mo ang isa sa mga nakalistang error sa itaas, mangyaring sundin lamang ang mga hakbang na ito:
-
Mangyaring tingnan ang Wattpad Status page para makita kung nakararanas kami ng outage. Kung mayroong outage, maaari mong bantayan ang Wattpad Status page o sa twitter, @WattpadStatus.
*Mangyaring pakatandaan: sinusubukan naming panatilihing wasto ang Status page hangga’t maaari. Subalit, maaaring nakararanas ka na ng isang outage bago pa ito ma-report sa page.
- Kung walang outage, mangyaring subukan ang mga hakbang sa pag-troubleshoot.
- Kung hindi naresolba ng mga hakbang sa pag-troubleshoot ang isyu, mangyaring magsumite ng Support request.
Error 403, Error 1000, & Error 200-299
Kung nakikita mo ang Error 403 sa website o Error 1000 o 200-299 sa iyong mobile, mangyaring tingnan ang aming artikulo, Hindi ma-access ang Wattpad (mga error sa server) o makatanggap ng 403 error
Hindi makapag-log in (Error 12)
Kapag nakikita mo ang Error 12 kapag sinusubukan mong mag-log in sa Wattpad, mangyaring subukan ang mga hakbang sa pag-troubleshoot.
Error 1131
Ang mga error na ito ay nag-iindika na naabot mo na ang iyong limitasyon sa pagpapadala ng mga unsolicited na mensahe.
Skerrordomain error 4
Ang error na ito ay nag-iindika na iyong dinisable ang In-App-Purchases sa iyong iOS device. Mangyaring sundin ang mga sumusunod na mga hakbang:
- Pumunta sa device Settings
- I-tap ang Screen Time.
- I-tap ang Content & Privacy Restrictions.
- I-on ang Content & Privacy Restrictions.
- I-tap ang iTunes & App Store Purchases.
- I-tap ang In-app Purchases.
- I-tsek ang Allow.
Mangyaring pakatandaan na ang restrictions settings sa pagbili ay pagbabawalan kang magawa ang mga pagbabagong ito.
Mangyaring tingnan ang mga detalye tungkol sa parental controls para sa iOS at Android.
Skerrordomain error 3
Ang error na ito ay makikita ng mga iOS users sa tuwing sinusubukan nilang maibalik ang aktibong subskripsyon sa isang account na hindi kapareho ng una nilang ginamit sa pag-subscribe. Mangyaring i-click ang ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito upang magsumite ng Support request.
Hindi ka maaaring magkaroon ng lampas sa 25 na mga tag
Kung nakikita mo ang error na ito kahit na ang iyong kuwento ay may mas mababa sa 25 na tags, mangyaring tingnan ang iyong mga tag at tanggalin ang may mga gitling. Maaaring binibilang ng system ang mga tags na may gitling (halimbawa, #action-romance) bilang dalawang magkahiwalay na tags.
Ang ilang mga error ay naganap habang sinusubukang i-save ang iyong kuwento. Nagkaroon ng problema sa pag-upload ng iyong larawan. Hindi suportado ang format ng larawan.
Ang error na ito ay nag-iindika na ang iyong ginamit na imahe ay hindi tama ang format para sa Wattpad. Tinatanggap lang ng Wattpad ang mga imahe na may format na gifs, jpegs, jogs, o pngs. Mangyaring pag-aralan ang aming hinihiling pagdating sa mga imahe rito.
Kung ang error na iyong nakikita ay hindi nakalista sa artikulong ito, mangyaring subukan ang aming mga hakbang sa Pag-troubleshoot. Kung hindi mareresolba ng mga hakbang sa pag-troubleshoot ang isyu, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.