Napaisip ka na ba kung anong mga parte ng iyong account ang nakikita ng iba pang mga user at kung anong mga parte ang ikaw lang ang nakakakita?
Pumili ng bahagi sa ibaba upang malaman kung ito ay pribado o nakikita ng lahat.
Profile
Ang iyong profile ay maaaring maglaman ng maraming impormasyon tungkol sa iyo. Habang ang mga bahagi ay awtomatikong makikita ng lahat, may kakayanan kang itago ang ilang parte sa iba pang mga user.
Ang iyong profile picture, username, at display name ay awtomatikong naka-public.
Kung idaragdag mo ang iyong lokasyon sa iyong profile, ito ay makikita ng lahat. Ngunit, kung nais mong maging pribado ito, kailangan mong burahin ang lokasyon sa iyong account sa iyong Account Settings.
Ang iyong araw ng kapanganakan ay pribado. Sa iyong Account Settings, may opsyon kung saan maaari mong i-link ang iyong personal na Facebook, Twitter, o website sa iyong account, at ang mga link na ito ay makikitang naka-display sa publiko.
Ang iyong profile ay hindi nakikita ng sinomang Wattpaders na iyong na-block o na-mute.
Library/Archive
Ang iyong library at archive ay pribado. Ngunit, ang mga kuwento sa iyong library ay maaaring lumitaw sa iyong Home page sa paraan ng mga rekomendasyon.
Hindi ka maaaring mag-alis o magbura ng mga kuwento galing sa iyong mga rekomendasyon.
Reading Lists
Ang iyong mga reading list ay makikita ng lahat. Hindi ito maaaring gawing pribado.
Maaari itong lumitaw bilang mga rekomendasyon at makikita sa iyong profile. Ang iyong mga listahan ng babasahin, tulad ng iba pang bahagi ng iyong profile, ay hindi makikita ng sinomang Wattpaders na iyong na-block o na-mute.
Mga Kwento
Ang mga nailathala nang kuwento ay awtomatikong makikita ng lahat. Walang paraan upang gawin itong pribado. Ang iyong mga na-publish na kuwento ay hindi makikita ng sinomang Wattpaders na iyong na-block.
Ang mga naka-draft na kuwento ay pribado.
Search
Ang mga resulta ng iyong paghahanap ay pribado sa iyong account. Maaaring kang magbura ng resulta, ngunit walang paraan upang mabura ang iyong buong search history nang isang bagsakan.
Sa Android: pindutin ang ‘x’ sa tabi ng isang resulta upang mabura ito.
Sa iOS: i-swipe ang resulta pakaliwa, pagkatapos ay i-tap ang ‘Delete’.
Hindi mo mabubura ang ‘recommended searches’.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.