Skip to Content

Pagdagdag ng kuwento sa iyong Archive

Ang Archive ay lugar kung saan mo maaaring ilagay ang mga kuwentong tapos mo nang basahin mula sa iyong Library. Ito rin ay maaaring maging magandang lugar upang ilagay ang mga kuwentong hindi mo binabasa sa kasalukuyan ngunit nais mong sundan kung sakaling may mga update rito sa hinaharap. Kung ang isang kuwento sa iyong Archive ay na-update ng manunulat, ang kuwento ay lilipat sa iyong Library, at makatatanggap ka ng notification tungkol sa update.

Maaari kang magdagdag ng isa o maraming mga kuwento sa iyong Archive mula sa iyong Library nang sabay-sabay.

Pumili ng platform upang tumuklas ng higit pa.

Sa iOS

Option 1: Mula sa iyong Library

Pagdagdag ng kuwento nang paisa-isa (list view lamang)

  1. Buksan ang iyong Library sa pamamagitan ng pag-tap ng Library button
  2. I-tap ang More sa tabi ng kuwento
  3. Piliin ang Archive
  4. Kumpirmahin sa pamamagitan ng pag-tap sa Archive Story

Pagdagdag ng kuwento nang paisa-isa (grid view lamang)

  1. Buksan ang iyong Library sa pamamagitan ng pag-tap ng Library button
  2. Mag-long press sa pabalat ng kuwento
  3. Piliin ang Archive
  4. Kumpirmahin sa pamamagitan ng pag-tap sa Archive Story

Maraming kuwento nang sabay-sabay:

  1. Buksan ang iyong Library sa pamamagitan ng pag-tap ng Library button
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Manage Library
  4. Piliin ang lahat ng kuwentong nais mong ilagay sa iyong Archive
  5. I-tap ang Archive sa ibabang menu
  6. Kumpirmahin sa pamamagitan ng pag-tap sa Archive Stories

Option 2: Sa isang walang lamang Archive

  1. I-tap ang Archived tab sa iyong Library
  2. I-tap ang Let me manually archive my stories
  3. Piliin ang lahat ng kuwentong nais mong ilagay sa iyong archive
  4. I-tap ang Archive sa ibabang menu
  5. Kumpirmahin sa pamamagitan ng pag-tap sa Archive Story

Sa Android

Option 1: Mula sa iyong Library

Pagdagdag ng kuwento nang paisa-isa (list view lamang)

  1. Buksan ang iyong Library sa pamamagitan ng pag-tap ng Library button
  2. I-tap ang More options button sa tabi ng kuwento
  3. Piliin ang Archive

Pagdagdag ng kuwento nang paisa-isa (grid view lamang)

  1. Buksan ang iyong Library sa pamamagitan ng pag-tap ng Library button
  2. Mag-long press sa pabalat ng kuwento
  3. Piliin ang Archive Story

Maraming kuwento nang sabay-sabay:

  1. Buksan ang iyong Library sa pamamagitan ng pag-tap ng Library button
  2. I-tap ang More options button sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Edit
  4. Piliin ang lahat ng kuwentong nais mong ilagay sa iyong Archive
  5. I-tap ang Archive sa itaas na menu bar
  6. Piliin ang OK

Option 2: Sa isang walang lamang Archive

  1. I-tap ang Archive tab sa iyong Library
  2. I-tap ang Select Stories to Archive
  3. Piliin ang mga kuwentong nais mong i-archive
  4. I-tap ang Archive sa itaas na menu bar
  5. Piliin ang OK

Sa Web

  1. Buksan ang iyong Library sa pamamagitan ng pag-click sa iyong Profile at piliin ang Librarya sa drop-down menu
  2. Mag-hover sa ibabaw ng isang kuwento
  3. I-click ang Archive
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
59 sa 92 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.