Skip to Content

Pag-reset o pagpalit ng iyong password

TANDAAN: Maaaring umabot ng 24 na oras bago makuha ang iyong password reset link depende sa dami ng natatanggap naming mga request. Kung hindi mo pa rin natatanggap ang iyong password pagkatapos ng 24 oras, sundan ang mga link sa ibaba upang maayos ang problema o makipag-ugnayan sa Support.

Ang iyong password ang susi hindi lamang sa pag-log in sa iyong account, pati na rin sa pagpapalit ng iyong username, pagpapalit ng iyong email, at pagbubura ng isang kuwento. Maaari mong palitan iyon sa kahit na anong oras o i-reset ito kung ito’y iyong nakalimutan.

Ito ang ilan sa mga importanteng impormasyon tungkol sa iyong password:

  • Dapat ay hindi bababa sa 10 karakter ang haba nito
  • Naglalaman dapat ito ng numero, espesyal na karakter, at parehong malaki at maliit na titik. Maaari kang gumamit ng malalaki at maliliit na titik [A-Z, a-z], mga numero [0-9], o mga simbolo tulad ng ^%$&
  • Hindi dapat ito naglalaman ng iyong username o pangalan
  • Walang paraan upang makita ang iyong password
  • Ang iyong password ay maaaring ma-reset ikaw man ay naka-log in o naka-log out sa iyong account
  • Kung ni-reset mo ang iyong password, mala-log out ka sa lahat ng mga device
  • Huwag ibahagi ang iyong password sa kahit na sino; panatilihing ligtas ang iyong account!

Mangyaring pakatandaan: Maaari mo lamang i-reset ang iyong password gamit ang email address na naka-link sa iyong account; ang password reset email ay hindi maaaring ipadala sa iba pang email. Ibig sabihin nito, kung ginawa mo ang iyong account gamit ang isang pekeng email address, hindi mo mare-reset ang iyong password.

Kung hindi ka nakatatanggap ng kahit na anong email, mangyaring tingnan ang aming artikulong Hindi Nakatatanggap ng Verification o Password Email. Kung nakalimutan mo ang iyong email address at wala kang access dito, mangyaring basahin ang aming artikulong: Nakalimutan ang iyong email?

Pag-reset ng iyong password

Kung hindi mo alam o maalala ang iyong password, maaari mo itong i-reset. Ang mga password ay pinananatiling naka-encrypt at walang paraan upang tingnan ang iyong password sa iyong Mga Setting. Higit pa rito, hindi kami nagtatago ng mga nababasang kopya ng iyong password. Nangangahulugan ito na kahit ang aming mga ahente ng Support ay hindi masasabi sa iyo kung ano ang iyong password dahil hindi nila maa-access ang mga ito.

Pumili ng platform para sa iba pang detalye.

Sa iOS

Option 1: Naka-log in sa iyong account

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Pindutin ang Account Settings
  4. I-tap ang Password
  5. I-tap ang Forgot Password?
  6. Ang naka-link na email ay awtomatikong lalabas—mangyaring pakatandaan na hindi mo maipapadala ang password reset email sa iba pang email address
  7. Pindutin ang Send Instructions

Option 2: Naka-log out sa iyong account

  1. Buksan ang app
  2. I-tap ang Have an account? Log in
  3. I-tap ang Forgot? sa kahon para sa password
  4. I-enter ang email address o username na naka-link sa iyong account
  5. Pindutin ang Send Instructions
  6. I-tap ang Done

Sa Android

Option 1: Naka-log in sa iyong account

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Pindutin ang Account Settings
  4. I-tap ang Forgot Password?
  5. I-enter ang email na naka-link sa iyong account
  6. Pindutin ang Send Instructions

Option 2: Naka-log out sa iyong account

  1. Buksan ang app
  2. I-tap ang Have an account? Log in
  3. I-tap ang Forgot? sa kahon para sa password
  4. I-enter ang email address o username na naka-link sa iyong account
  5. Pindutin ang Send Instructions
  6. I-tap ang OK

Sa Web

Option 1: Naka-log in sa iyong account (Tandaan: Kung ikaw ay may problema sa paggamit ng Web upang mag-reset o gumawa ng password, inirerekomenda naming gamitin ang app sa iyong iOS o Android device)

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
  2. Pindutin ang Settings
  3. I-click ang Baguhin sa tabi ng ‘Password’
  4. I-click ang Nakalimutan ang Password?
  5. I-enter ang email address o username na naka-link sa iyong account
  6. Pindutin ang Magpadala ng Instruction

Option 2: Naka-log out sa iyong account

  1. Tumungo sa www.wattpad.com
  2. I-click ang Log In sa itaas na kanang bahagi
  3. I-click ang Nakalimutan ang Password? (sa ilalim ng Log in button). Dadalhin ka nito sa page na naka-link dito.
  4. I-enter ang email address na naka-link sa iyong account
  5. Pindutin ang Magpadala ng Instruction

Pagpapalit ng iyong password

Kung alam mo ang iyong password, maaari mo itong palitan sa iyong Settings.

Pumili ng platform para sa iba pang detalye.

Sa iOS

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Pindutin ang Account Settings
  4. I-tap ang Password
  5. I-enter ang iyong lumang password at ang iyong bagong password
  6. I-tap ang Done

Sa Android

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Pindutin ang Account Settings
  4. I-tap ang Password
  5. I-enter ang iyong bagong password nang dalawang beses, ang iyong lumang password nang isang beses
  6. I-tap ang Change

Sa Web

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
  2. Pindutin ang Settings
  3. I-click ang Baguhin sa tabi ng ‘Password’
  4. I-type ang iyong lumang password, at iyong bagong password nang dalawang beses
  5. I-tap ang Save

Kung hindi pa rin ito makatutulong sa iyo sa isyung ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.

Siguraduhin na ang email na iyong gagamitin sa pagsulat sa amin ay ang email na naka-link sa iyong account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
630 sa 1525 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.