Skip to Content

Pag-edit ng iyong ‘Tungkol sa akin’

Maaari kang maglagay ng deskripsyon sa iyong profile para magbahagi tungkol sa iyong sarili, iyong mga hilig, o iba pa. Ang mga deskripsyon ay maaari lamang umabot sa habang 2000 karakter at dapat ay na-verify na ang iyong account.

Mangyaring iwasan ang paglalagay ng mga link sa deskripsyon ng iyong profile. Sa dahilan na pangkaligtasan, ang anumang link na nakalagay sa deskripsyon ng iyong profile ay agad na maituturing na spam. 

Para sa iba pang impormasyon, pumili ng platform.

Sa iOS

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi) 
  2. I-tap ang Settings button
  3. Piliin ang Edit Profile
  4. Piliin ang About
  5. I-type ang iyong nais na deskripyon 
  6. I-tap ang Save sa itaas na kanang bahagi

Sa Android

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
  2. I-tap ang Settings button
  3. Piliin ang Account Settings
  4. I-tap ang About
  5. I-type ang iyong text
  6. I-tap ang OK

Sa Web

Option 1:

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi 
  2. I-click ang I-Edit ang Profile
  3. I-type ang text ng iyong deskripsyon
  4. I-click ang Save Changes sa itaas na bahagi ng page

 

Option 2: 

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi 
  2. Piliin ang Settings
  3. I-type ang text ng iyong deskripsyon sa Tungkol sa Akin na text box
  4. I-click ang Submit sa ibabang bahagi ng page
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
35 sa 58 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.