Skip to Content

Pagbura ng kuwento o parte ng kuwento

Kung aksidente kang nakagawa ng bagong parte ng iyong kuwento o hindi ka sigurado kung gusto mo pa ang parte ng iyong kuwento, mayroon kang opsyon na burahin ito. Maaari mong burahin pareho ang mga draft at mga nailathalang parte, maging ang buong kuwento.

Siguraduhing maigi na nais mo talagang burahin ang parte ng kuwento, sapagkat wala nang paraan para maibalik ito sa oras na ito’y mabura. Kapag binura mo ang parte ng kuwento, mabubura din nito ang lahat ng reads at boto ng bahaging ito mula sa kabuuang bilang ng iyong reads/boto.

Imbes na burahin ang parte, mayroon ka ring opsyon para i-unpublish ito, at ang parte ng kuwento ay babalik muli sa draft, kaya ikaw lang ang makakikita nito.

I-click ang platform sa ibaba para sa iba pang detalye kung paano magbura ng parte ng kuwento.

Sa iOS 

Para burahin ang parte ng kuwento:

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Pumunta sa kuwento
  3. I-tap ang Settings sa tabi ng Table of Contents
  4. Piliin ang lahat ng parte na nais mong burahin
  5. I-tap ang Delete sa ibabang menu bar
  6. Piliin ang Delete Part(s) o Delete Story 

 

Para burahin ang buong kuwento:

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Pumunta sa kuwento
  3. I-tap ang More sa itaas na kanang bahagi
  4. Piliin ang Delete Story
  5. I-type ang iyong username
  6. I-tap ang Delete Story

Sa Android 

Para burahin ang parte ng kuwento:

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Pumunta sa kuwento
  3. Mag-scroll pababa at i-tap ang Table of Contents
  4. I-tap ang More options button sa tabi ng parte ng kuwento
  5. Piliin ang Delete Part
  6. Piliin ang Yes  

 

Para burahin ang buong kuwento:

  1. I-tap ang Create tab sa ibabang navigation bar
  2. Pumunta sa kuwento at i-tap ang Options button sa tabi ng pamagat ng kuwento
  3. Piliin ang Delete
  4. I-type ang iyong username
  5. Piliin ang Delete Story

Sa Web 

Para burahin ang parte ng kuwento:

Opsyon 1: Mula sa Story Details page

  1. I-click ang Sumulat sa itaas na navigation bar
  2. I-click ang Aking Mga Kuwento
  3. Pumili ng kuwento
  4. Pumunta sa Table of Contents
  5. I-click ang More button sa tabi ng parte ng kuwento
  6. Piliin ang ang Burahin ang Parte
  7. Piliin ang Burahin Nang Tuluyan

 

Opsyon 2: Sa parte ng kuwento:

  1. Magbukas ng parte ng kuwento
  2. I-click ang More button sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Tanggalin ang parteng ito 

 

Para burahin ang buong kuwento:

  1. I-click ang Sumulat sa itaas na navigation part
  2. I-click ang Aking Mga Kuwento
  3. Pumili ng kuwento
  4. I-click ang More button sa tabi ng pamagat ng kuwento
  5. Piliin ang Burahin ang Storya
  6. Piliin ang Burahin
  7. Piliin ang Oo

Pag-troubleshoot

Kung ikaw ay nakararanas ng problema sa pagbura ng parte ng iyong kuwento o mga parte, mangyaring basahin ang aming mga artikulo sa Pag-troubleshoot sa mga isyu sa website at Pag-troubleshoot ng mga isyu sa mga app.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
28 sa 63 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.