Ang Wattpad ay isang libreng platform na maaaring magamit ng milyong mga tao sa buong mundo. Ang mga ad ay nakatutulong sa amin upang mapanatili ito sa ganoong paraan, sinisiguro na ang mga mambabasa ay makahahanap ng magagandang mga kuwento at ang mga manunulat ay makabubuo ng komunidad ng mga taga-suporta. Katulad ng iba pang mga libreng serbisyo, ang mga ad na ito ay nakatutulong sa gastos sa pagpapatakbo sa Wattpad.
Saan ako makakikita ng mga ads?
Ang mga ad ay tumutulong sa aming kakayanang panatilihing libre ang karamihan sa aming mga kuwento, ngunit nais naming makasiguro na ang mga ad na ito ay hindi makaaabala sa kalidad ng iyong karanasan sa pababasa. Depende kung ginagamit mo ang aming app o website, maaaring makakita ka ng mga ad sa mga lugar tulad ng homepage, sa story details pages, at habang nagbabasa.
Nais kong hindi makakita ng ads. Posible ba ito?
Oo naman! Ang Wattpad Premium ang aming ad-free subscription tier para sa mga user na nais magkaroon ng higit na control sa kanilang karanasan sa Wattpad. Matuto nang higit pa sa Wattpad Premium.
Maaari ba akong kumita sa mga in-story ad?
Sa kasamaang palad, walang oportunidad na kumita mula sa mga ad sa iyong mga kuwento sa kasalukuyan.
Subalit, mayroon kaming ibang mga pagpipilian upang magkaroon ng kita bilang isang manunulat. Ang Wattpad Books, Wattpad Studios, Wattpad Brand Partnerships, at Wattpad Paid Stories ay nagbibigay daan upang kumita ang mga manunulat. Habang walang iisang programa na magiging akma para sa lahat, nagbibigay kami ng iba’t ibang paraan upang kumita ang mga manunulat sa Wattpad.
Nakararanas ng mga isyu?
Kung hindi ka makalipat sa susunod na parte ng kuwento dahil hindi naglo-load ang ad o kung nakakita ka ng ad na sa tingin mo ay hindi angkop sa Wattpad, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito. Mangyaring isama ang sumusunod na impormasyon sa iyong request:
- Nasaan ka sa app noong nangyari ito?
- Maaari mo bang ilarawan ang ad? (Kompanya, pangalan ng produkto, atbp.)
- Maaari ka bang magpadala sa amin ng screenshot o screen recording ng tinutukoy na ad?
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.