Skip to Content

Wattpad Picks

Ang Wattpad Picks ay kung saan ibinibida ng Wattpad ang mga kakaiba at magagandang kuwento na personal na pinili ng Wattpad staff. Kabilang dito ang iba’t ibang listahan kung saan ang ilan ay permanente at ang iba naman ay nagpapalit kasabay ng panahon at mga kaganapan sa mundo.

Kabilang ang halos lahat sa mga listahang ito. Ang Wattpad Picks ay isang lugar kung saan maaari nating maipagmalaki ang ilan sa pinakamahusay at pinakamagaling ng Wattpad kahit na ilan pa ang reads nito. Ang Wattpad Picks ang aming paraan upang mabigyan ang mga kuwento ng isang virtual high-five at para matulungan ang mga mambabasa na mahanap ang kanilang bagong paboritong kuwento. 

Ang pinakamaganda pa rito, patuloy na nagbabago ang Wattpad Picks! Palagi kaming nagdaragdag ng mga kuwento kaya siguraduhin na balikan ito para makita ang mga bagong highlight.

Sa kasamaang palad, ang Wattpad Picks ay available lamang sa Ingles. Ngunit, patuloy kaming nagtatrabaho para palawakin pa ang feature na ito sa ibang mga wika. 

Kung nais mong malaman kung paano mapasama sa Wattpad Picks, tingnan ito: Paano mapo-promote ng Wattpad ang aking kuwento?


Saan mahahanap ang Wattpad Picks?

Pumili ng platform para sa iba pang detalye:

Sa iOS at Android 

Sa mga app, makikita bilang rekomendasyon ang listahan ng Wattpad Picks sa iyong Homepage

Sa Web  

  1. I-click ang Browse sa itaas na menu bar
  2. Piliin ang Pinili ng Wattpad na itinatampok na listahan
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
56 sa 67 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.