Hinihikayat ng Wattpad ang lahat ng mga manunulat na ipahayag ang kanilang pagkamalikhain at imahinasyon sa pamamagitan ng mga orihinal na kuwento. Hindi namin pinahihintulutan ang mga copyright infringement o mga piniratang materyal sa platform at tatanggalin ang anumang mga akdang matutuklasan naming inilathala nang ilegal. Habang ang ibang mga user ay hindi pamilyar sa copyright law, ginagawa namin ang aming makakaya upang turuan at abisuhan ang ating komunidad habang bumubuo ng nakikipag-ugnayan na mga audience para sa lahat ng mga manunulat.
Mga pangkaraniwang katanungan (FAQ’s)
Ano ang copyright infringement?
- Pag-post ng mga copyrighted na mga akda ng iba nang walang legal na pahintulot
- Pag-post sa ngalan ng isang may-akda at pagbibigay ng credit sa kanila. Ito ay isa pa ring paglabag ng copyright at ituturing pa rin sa parehong paraan. Ang pahintulot ay PALAGING kailangan mula sa may-akda.
- Ang mga adaptation o bahagyang pagbabago sa isang akda, katulad ng pagpapalit ng mga pangalan, pagkopya ng mga pangyayari at pagsusulat gamit ang iyong sariling mga salita, pagpapalit ng pananaw ng mga tauhan, ay paglabag ng copyright. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang: Mga lumalabag sa adaptasyon at fanfiction
- Paggamit ng imaheng hindi mo pagmamay-ari. Kasama rito ang paggawa ng pabalat gamit ang imaheng hindi mo pagmamay-ari ang karapatan (maliban na lamang kung ito ay nasa public domain).
Ano ang pinoprotektahan at hindi pinoprotektahan ng copyright?
Pinoprotektahan lamang ng copyright ang pisikal na representasyon ng isang ideya, hindi ang ideya mismo. Sa kasamaang palad, ang mga kaparehong plot, tema ng kuwento, at pamagat ay hindi sapat upang magtatag ng isang copyright infringement. Ito ang dahilan kung bakit maraming mga kuwento at pelikula ang magkakahawig. Maliban na lang kung may matibay na ebidensya ng copyright infringement na maaaring maihain sa hukuman, ang mga website administrator ay hindi matatanggal ang mga kuwento. Sa ganitong kaso, aming iminumungkahi na makipag-ugnayan sa isa pang manunulat at subukang ayusin ang isyu nang pribado at may paggalang. Kung hindi ka sigurado kung ang isang akda ay nilalabag ang iyong copyright, hinihikayat naming humingi ka ng propesyonal/legal na payo bago magpasa ng abiso.
Ano ang mga ginagawang hakbang ng Wattpad ukol sa copyright infringement?
Sineseryoso ng Wattpad ang copyright infringement. Ang mga user ay hindi pinahihintulutang mag-post ng mga kuwentong hindi nila pagmamay-ari maliban na lamang kung sila ay may legal na pahintulot mula sa may-ari at makapagbibigay ng ebidesnya kung kinakailangan. Ang lumalabag na nilalaman na ini-report sa amin, o na natuklasan namin, ay isinisiyasat ayon sa aming mga patakaran at aalisin kapag nakita namin na ito ay talagang isang paglabag sa copyright. Hinihikayat ang mga may-ari na magsumite ng abiso sa pagtanggal ng DMCA kung makakita sila ng kopya ng kanilang orihinal na gawa upang maalis namin ito.
Repeat infringers - Bilang karagdagan sa patakaran sa itaas, maaari naming, kung angkop at sa aming paghuhusga, tanggalin ang mga account ng mga user na paulit-ulit na lumalabag o napatawan ng paglabag ng intellectual property rights ng iba. Kung maraming paglabag sa copyright ang isang account, o may matuklasan pang karagdagang paglabag sa ibang araw, isasara ang account. Pakitandaan na ang mga pagkilos ng user ay naka-link sa may-ari ng account, hindi sa (mga) account mismo.
Paano pinoprotektahan ng Wattpad ang aking akda?
Ang iyong akda ay awtomatikong pinoprotektahan ng Copyright Law sa panahong inilagay mo ito sa isang nakapirming format, tulad ng pagsusulat nito. Mayroong ilang mga pagpipilian sa lisensya sa copyright na maaari mong piliin kapag nagpo-post ng isang kuwento sa Wattpad at makikita mo ang mga ito sa aming artikulo: Mga pahintulot sa copyright. Sumusunod kami sa proseso ng DMCA, kaya kung naniniwala kang nakopya nang hindi wasto ang iyong gawa, maaari kang magsumite ng abiso sa pagtanggal ng DMCA at tutugon kami sa lalong madaling panahon. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aming artikulong: Paano namin pinoprotektahan ang Iyong mga Kuwent
Pagmamay-ari ba ng Wattpad ang gawa ko?
Hindi pagmamay-ari ng Wattpad ang kahit na anong akda na iyong pino-post sa platform. Ibig sabihin nito, malaya kang i-post ang iyong akda sa ibang lugar pati na rin tanggalin ang iyong akda mula sa Wattpad anumang oras. Maaari kang matuto nang higit pa tungkol dito sa aming mga polisiya: Tuntunin ng Serbisyo
Ano ang piracy/copyright spam?
Hindi namin pinapayagan ang paglabag sa copyright sa Wattpad, kabilang ang pag-promote at/o pagpapadali ng piracy. Kabilang dito ang pandarambong sa anumang anyo, mula sa paghiling ng mga libreng link sa pag-download hanggang sa pagbabahagi ng buong PDF at maging sa pag-upload ng mga kasalukuyang gawa ng mga may-akda.
Hinihiling namin sa lahat na maging magalang at tulungan ang Wattpad na maging isang palakaibigan at ligtas na kapaligiran upang tangkilikin. Mangyaring maabisuhan na inilalaan namin ang karapatang magtanggal ng mga mensahe at suspindihin ang anumang mga account na lumabag sa aming mga patakaran sa copyright nang walang paunang abiso. Para mag-report ng piracy sa Wattpad, pakitingnan ang aming artikulo: Pag-report ng Copyright
Paano ako makapagrereport ng mga copyright infringement sa Wattpad?
Mangyaring tingnan ang aming artikulo sa Pag-report ng Copyright para sa impormasyon kung paano mag-report ng mga nailathalang mga akda at kung ano ang dapat gawin kung ikaw ay nakakita ng non-published work sa Wattpad.
Nakopya ang aking akda at nailathala sa Wattpad o iba pang website. Ano ang maaari kong gawin?
Mangyaring tingnan ang aming artikulo sa Pag-report ng Copyright para sa iba pang impormasyon at mga panuto kung paano mag-report ng copyright sa Wattpad at kung ano ang maaaring gawin kung ang iyong akda ay nakopya sa Wattpad at ipinost sa ibang website.
Maaari ko bang gamitin ang kanilang kuwento, cover art, mga karakter, atbp.?
Dapat kang makakuha ng pahintulot nang direkta mula sa may-akda upang gamitin ang kanilang kuwento bilang iyong sarili. Ang paggamit ng kanilang direktang gawa sa anumang paraan (kabilang ang mga adaptasyon) nang walang pahintulot nila ay isang paglabag sa copyright, na labag sa batas. Ang pagbibigay ng credit ay hindi sapat maliban kung ang may-akda ay nagpahiwatig na siya ay okay sa iba na gumagamit ng kanilang gawa. Para sa mas tiyak na impormasyon tungkol sa paggamit ng sining, mga karakter, at higit pa ng ibang tao, tingnan ang aming artikulo: Maaari ko bang gamitin ang kanilang gawa/kuwento/content?
Maaari ba akong mag-report ng mga paglabag sa aking fanfiction?
Kung ang iyong fanfiction ay sarili mong orihinal na gawa, bukod sa mga kasalukuyang karakter, maaari kang magsumite ng abiso sa pagtanggal ng DMCA laban sa anumang mga paglabag dahil ang orihinal na nilalaman ay protektado ng batas sa copyright. Kung ang iyong kuwento ay isang adaptasyon, ibig sabihin ay gumagamit ka ng higit sa mga pangalan ng karakter, lubos naming inirerekomenda na tingnan mo muna ang artikulong ito: Mga lumalabag sa adaptasyon at fanfiction
Maaari ba akong mag-report ng isang kuwento kung kinopya nila ang isang pelikula/video game/palabas sa TV?
Oo, maaaring kabilang sa mga paglabag sa copyright ang muling pagsulat ng pelikula, video game, palabas sa TV, atbp., at pag-upload nito sa Wattpad. Kabilang dito ang paggamit ng direktang diyalogo mula sa mga script ng pelikula o palabas sa TV. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang: Mga lumalabag sa adaptasyon at fanfiction
Maaari ko bang gamitin ang lyrics ng kanta sa aking kuwento?
Bagama't karaniwan para sa mga indibidwal na isama ang mga kasalukuyang lyrics ng kanta sa kanilang mga kuwento, palaging may panganib na magsumite ang orihinal na may-ari ng copyright ng abiso sa pagtanggal ng DMCA upang maalis ito. Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang aming artikulo: Maaari ko bang gamitin ang kanilang gawa/kuwento/content?
Anonymous ba ang report ko?
Sa Wattpad, nakatuon kami sa pagprotekta ng iyong privacy at pagpapanatiling ligtas ng iyong impormasyon. Ang mga report na iyong sinusumite sa Wattpad ay nananatiling kumpidensyal. Dahil dito, hindi namin ibubunyag ang iyong personal na impormasyon sa na-report na user, o may-ari ng copyright. hindi namin. Ang karamihan sa mga report ay kumpidensyal sa Wattpad. Napakakaunting mga pagbubukod, partikular sa ilang mga legal na kahilingan, kung saan ibabahagi ang impormasyon, ngunit ito ay malinaw na ipapaalam sa iyo kung kinakailangan ito.
Paano ako makatutulong sa paglaban sa paglabag sa copyright sa Wattpad?
Palagi kaming naghahanap ng mga Wattpadder sa lahat ng lengguwahe at masigasig kami sa kaligtasan at copyright sa Wattpad! Kung ikaw ay higit sa 18, maaari kang mag-apply sa Wattpad Ambassadors Program. Marami silang ginagawa sa amin at palaging itinatanggap ang mga aplikanteng madamdamin sa pagpapanatiling ligtas sa Wattpad. Para sa karagdagang impormasyon, Tingnan ang profile ng Ambassador dito: https://www.wattpad.com/user/Ambassadors
Ano ang ibig sabihin ng mga pagpipilian sa copyright sa Wattpad (Public Domain, All Rights Reserved, atbp.)?
Kapag nag-post ka ng iyong kuwento sa Wattpad gamit ang Advanced Options, maraming mga pagpipilian sa copyright na maaari mong piliin. Upang matuto nang higit pa tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon at kung paano nalalapat ang mga ito sa iyong kuwento, pakitingnan ang aming artikulo: Mga pahintulot sa copyright
Palagi naming inirerekomenda ang pag-save ng kahit na anong orihinal na akdang iyong ginawa sa labas ng Wattpad platform. Sa pagkakataong naisara ang account dahil sa paglabag sa kahit na ano sa aming polisiya, hindi namin ibabalik o ililipat ang story content, na maaaring magsama sa iyong mga orihinal na akda na kasama sa paglabag.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.