Skip to Content

Pagsasara ng mga account ng mga hindi aktibong user

Sa Wattpad, mayroon kang opsyon na isara ang iyong account anumang oras. Para sa mga panuto kung paano isara ang iyong account, mangyaring tingnan ang aming Help Centre article: Pagsasara ng iyong Wattpad account

Kailan namin isasara ang iyong account

Minsan, isinasara namin ang iyong account sa ngalan mo. Ginagawa lamang namin ito kapag:

  • Nilabag mo ang aming Mga Tuntunin ng Serbisyo, Mga Alituntuin sa Pag-uugali, o Mga Alituntunin sa Nilalaman (bawat isa ay "paglabag"); o
  • Hindi ka nag-log in sa iyong account ng limang (5) taon ("kawalan ng aktibidad").

Kapag isinara namin ang iyong account dahil sa isang paglabag, makatatanggap ka ng isang notification na isasara namin ang iyong account at bakit. Hindi mo mabubuksang muli ang iyong account nang mag-isa. Para sa iba pang detalye, mangyaring tingnan ang aming Help Centre article: Nagbubura ba ng mga kuwento ang Wattpad?

 

Kung isinara namin ang iyong account dahil sa kawalan ng aktibidad, aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng email 30 araw bago namin isara ang iyong account. Pagkatapos niyon, hindi ka na makaririnig mula sa amin (maliban kung piliin mong buksang muli ang iyong account o gumawa ng bagong account). Para sa impormasyon kung paano buksan muli o gumawa ng bagong account, mangyaring tingnan ang aming mga artikulong Pagbubukas muli/pag-reactivate ng account o Paggawa ng account.

Ano ang mangyayari kapag isinara ang iyong account

Kapag nakasara ang iyong account, ang iyong account ay mawawala sa Wattpad. Ang iyong profile, mga kuwento, at mga reading list ay hindi na magiging available sa publiko. Ang iyong mga komento ay mananatili sa Wattpad, ngunit magiging anonymous. Para buksan muli ang iyong account, mangyaring mag-log in sa loob ng anim (6) na buwan mula sa petsa kung kailan isinara ang iyong account.

Itatago namin ang lahat ng iyong account data sa isang takdang panahon kapag isinara mo ang iyong account sakaling nais mong i-reactivate ang iyong account sa hinaharap. Kung pagkatapos ng anim (6) na buwan ay hindi mo pa nire-reactivate ang iyong account, at wala kang aktibong subskripsyon o kahit na anong biniling Coins sa account, ang iyong account ay permanenteng isasara at hindi na maibabalik at lahat ng data na nakaugnay rito ay mabubura. Para sa detalye kung paano pinoproseso ang iyong data, mangyaring bisitahin ang Patakaran sa Privacy dito: https://policies.wattpad.com/privacy. Para sa mga detalye sa pagbubura ng data, mangyaring mag-scroll pababa ng pahinang ito. 

Eksepsyon sa Kawalan ng Aktibidad

  • Kung ang iyong account ay naglalaman ng coins na iyong binili mula sa amin o mayroong aktibong subskripsyon, hindi namin isasara ang iyong account dahil sa kawalan ng aktibidad, ngunit nasa aming pagpapasaya na isara ito para sa mga paglabag. Kung nais mong isara ang iyong account, kailangan mong gamitin ang iyong coins, kanselahin ang iyong subksripsyon, at isara ang iyong account nang mag-isa. Mangyaring tingnan ang aming artikulo: Pagsasara ng iyong Wattpad account.
  • Kung ang iyong account ay naglalaman ng mga nakalathalang kuwento, hindi namin isasara ang iyong account dahil sa kawalan ng aktibidad, ngunit maaari pa rin itong isara para sa mga paglabag.

Ano ang mangyayari sa iyong account data kapag isinara mo ang iyong account

Pansamantala naming itinatago ang account data sa loob ng anim (6) na buwan kapag isinasara ng isang user ang kanilang account. Pinahihintulutan nito ang mga user na ma-activate muli nang mas madali ang account sa ibang panahon. Kung pagkatapos ng anim (6) na buwan at ang account ay hindi na-reactivate, walang aktibong subskripsyon, o walang biniling Coins sa account, ang account at lahat ng data ay permanenteng buburahin. Kapag permanenteng nabura na ang account, ito ang mangyayari sa account data:

Data Status Uri ng Data
Nabura
  • Username 
  • Password
  • Email
  • IP address
  • Pangalan sa profile 
  • Inilagay na lokasyon 
  • Website (kahit na anong third party link/website na inilagay sa iyong profile sa Account Settings)
  • Deskripsyon sa profile/Tungkol sa akin
  • Following list/ Follower list
  • Larawan sa profile
  • Larawan sa background
  • User settings at preferences
Naging anonymous* at available sa publiko sa Wattpad
  • Mga komento sa mga kuwento
Naging anonymous* at available lamang sa aming internal servers
  • User ID
  • Petsa ng paggawa ng account
  • Kasarian/Pronouns
  • Bansa
  • Signup Platform
  • Petsa ng Kapanganakan
  • Mga naka-publish at naka-draft na kuwento
  • Mga pribadong mensahe
  • Mga pampublikong mensahe
  • Mga komento sa mga profile
  • Reading history
  • Notification history
  • Library/mga reading list
  • Mga boto sa mga kuwento
  • Mga aksyon sa pag-moderate na ginawa laban sa account/mga kuwento/mga larawan

  *Ang ibig sabihin ng pagiging anonymous ay ang data na ito ay nananatili sa aming mga server, ngunit hindi na ito konektado sa iyong personal at tukoy na impormasyon (hal. username/email). 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
2 sa 3 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.