Ano ang isang ranggo ng tag?
Ang ranggo ng tag o ranggo ng kuwento ay isang paraan upang mabigyan ng pagkilala ang mga mahuhusay na kuwento. Nakatutulong din ito upang matulungan ang mga mambabasa na makadiskubre ng bagong content sa Wattpad. Sa ranggo ng mga tag, ang mga kuwento ay maaaring magka-ranggo sa maraming mga Hot List nang sabay-sabay at ang mga manunulat ay maaaring makita ang kanilang “Pinaka-kahanga-hangang Ranggo” sa pinakataas ng story rankings page.
Huwag kalimutang i-tag ang iyong mga kuwento upang maging eligible na magka-ranggo!
Bakit hindi ako maka-ranggo sa isang sikat na tag?
Importanteng pakatandaan na ang mga naka-ranggong tag ay lilitaw lamang kung ikaw ay nasa top 1000 na mga kuwento. Kaya para sa mga tag na nagamit sa mas kaunting mga kuwento, mas madaling makapasok sa top 1000 na mga kuwento. Ang mas madalas na magamit na tag ay magkakaroon ng mas maraming mga kuwentong kalalabanin, minsan ay libo o milyon, ibig sabihin ay mas madaling magkaroon ng ranggo sa isang tag na may mas kaunting kuwento ang gumamit.
Halimbawa, ang #romance ay may 1.7 milyong mga kuwento, ibig sabihin ang iyong kuwento ay dapat na mag-trend sa top 1000 ng 1.7 milyon na iyon, samantalang ang #paranormalromance ay may hindi lalagpas sa 1.8k na mga kuwentong kalalabanin. Mas magkakaroon ka ng tsansa na magkaroon ng ranggo sa #paranormalromance. Tandaan na kung ang mga mambabasa ay naghahanap gamit ang maraming mga tag na nagamit sa iyong mga kuwento, mas mataas din ang tsansang lumitaw ito sa resulta ng paghahanap (katulad ng paghahanp ng #enemiestolovers at #romance, ang iyong kuwento ay lilitaw kung ginamit nito ang parehong tag, kung kaya’t mas malaki ang benepisyo na gamitin pa rin ang genre tag na iyon.)
Ang paglagay ng genre tag ay isa pang magandang paraan upang masukat kung ang iyong kuwento ay mas nagte-trend kapag ikaw ay nakapasok sa top 1000 na ranggo. Marami rin kaming iba pang sanggunian kung paano ka makabubuo ng iyong audience, bilang ang mga hot list ay isa lamang sa mga estratehiya. Ito ang ilan sa mga sangguniang makatutulong sa iyo: Pag-promote ng iyong kuwento, Paano maipo-promote ng Wattpad ang iyong kuwento?, Pagbuo ng iyong audience sa Wattpad.
Maaari bang magkaroon ng ranggo ang mga mature na kuwento?
Oo naman! Subalit, mangyaring pakatandaan na ang mga underage na user ay hindi makikita ang mga mature na kuwento sa Wattpad, maging sa resulta sa paghahanap o sa isang Hot List.
Kung ang iyong kuwento ay hindi lumilitaw sa kahit na anong mga ranggo ng kuwento, maaaring ito ay na-flag ng aming mga internal system. Ang lahat ng mga kuwento na ina-upload sa Wattpad ay kinakailangang sumunod sa aming Mga Alituntunin sa Nilalaman, na nagsisiguro na ang ating komunidad ay isang ligtas at positibong kapaligiran.
Paano natutukoy ang mga ranggo sa tag?
Gumagamit kami ng algorithm na isinasaalang-alang ang iba’t ibang mga bagay tulad ng popularidad, pagiging uso at engagement mga user sa isang kuwento, kasama na rin ang kaugnayan ng mga tag na ginamit at kung kailan huling na-update ang kuwento.
Tinitingnan din namin ang kawastuhan ng mga tag na iyong ginamit sa iyong kuwento, kung kaya’t siguruhin na gamitin ang mga tag na naglalarawan sa klase ng kuwentong iyong isinusulat upang makita ito ng mga mambabasa sa kanilang paghahanap.
Nababago ba ng mga ranggo ng tag ang visibility ng aking kuwento?
Oo! Kung ang kuwento mo ay may ranggo, makikita mo ito sa Hot List ng tag na iyon. Dahil ang mga kuwento ay maaaring magkaroon ng ranggo sa iba’t ibang Hot List, mayroon kang maraming tsansa na madiskubre.
Paano ko dapat i-tag ang aking mga kuwento?
May hangganan na 25 tag lamang kada kuwento. Maaari kang magka-ranggo sa iilan sa mga ito o sa lahat ng ito kung ang iyong kuwento ay aabot sa Hot List ng mga ito, kung kaya’t piliing maigi ang iyong mga tag. Subukang maglagay ng mga tag na pinaka-naglalarawan ng iyong kuwento at pinaka-nauugnay rito upang makita ito ng mga mambabasa sa kanilang paghahanap. Kung gusto mo pang matuto nang higit pa kung paano magdagdag ng tag sa iyong kuwento, mangyaring tingnan ang artikulong Paglalagay ng mga tag sa isang kuwento.
Ano ang “Pinaka-kahanga- Ranggo”?
Ang “Pinaka-kahanga-hangang Ranggo” ay palaging nakikita sa pinakataas ng iyong ranking list. Ito ang pinaka-kahanga-hangang ranggo sa kasalukuyan base sa kung ilang mga kuwento ang nasa listahan din.
Halimbawa: #5 mula sa 500 kuwento ay nakalista bilang mas kahanga-hanga kaysa sa #1 mula sa 50 kuwento.
Paano kung ang aking mga ranggo ay hindi gumagana?
Minsan, ang mga ranggo ay maaaring hindi naa-update, o ang ilang mga tag ay mawawala sa iyong kuwento. Nangyayari ang mga ito kapag may data issue sa aming sistema, at madalas nareresolba sa loob ng 3-5 araw.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.