Ang mga sumusunod na mga tool ay makikita sa iyong Web settings page:
- Pag-access at Pag-download ng Iyong Personal na Impormasyon: Binibigyan ka nito ng kakayahang i-access at i-download ang buod ng iyong personal na impormasyon ng kinokolekta ng Wattpad sa isang lugar.
Paano ko maaaring i-download at i-access ang kopya ng aking Personal na Impormasyon?
- Mag-sign in sa iyong Wattpad Account sa Web.
- I-click ang iyong username sa itaas na navigation bar.
- Pindutin ang Settings mula sa drop down menu.
- Mag-scroll pababa sa ‘Account’ page para “Ma-download ang iyong Personal na Impormasyon’.
- Pindutin ang HTML o JSON, depende sa format na nais mo.
Ano ang pinagkaiba ng HTML at JSON na kopya ng aking Personal an Impormasyon?
Maaari kang mamili upang mag-download ng kopya ng iyong personal na impormasyon sa HTML o JSON format:
HTML: Isang format ng iyong personal na impormasyon na madaling tingnan. Awtomatikong magda-download ang Wattpad ng isang .HTML file na pinangalangang “wattpad-export” na maaari mong buksan tulad ng isang web page sa iyong web browser.
JSON: Isang format ng iyong personal na impormasyon na mababasa ng machine na hahayaan kang mailipat ang iyong impormasyon sa mas madaling paraan kapag ina-upload ito sa ibang serbisyo.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.