Tinutulungan tayo ng mga genre upang malagyan ng uri at maintindihan ang mga kuwento base sa pagkakapareho nito sa mga tema/aesthetics na bumubuo sa mga genre categories. Maaaring hindi lahat ng kuwento ay pasok nang buo sa mga genre category, pero narito ang batayang pag-unawa ng bawat genre category upang mas mapadali ang pagtugma ng iyong kuwento at mas madiskubre ito.
Romance
Bilang pag-ibig ang pwersa sa likod nito, ang romance ay isang uri ng fiction na sinusundan ang lumalalim na relasyon sa pagitan ng dalawang tao, at kadalasan, ang kanilang hirap sa pagtanggap ng kanilang mga pagkakaiba at nakaraan. Ang mga bida ay madalas na dumaraan sa personal na pagbabago dahil na rin sa tulong ng kanilang minamahal.
Halimbawa: Pride and Prejudice ni Jane Austen
Fantasy
Ang fantasy ay isang anyo ng fiction na nagaganap sa isang alternatibong mundo - isang lupain na bunga ng kathang isip kung saan laganap ang mahika at mga supernatural na puwersa. Ang mga kuwentong fantasy ay kadalasang umiikot sa archetypal na katotohanan at mga karanasan ng isang ordinaryong bida at ang kanyang paglalakbay sa isang hindi ordinaryong misyon. Legendary, mythological, at folkloric na mga tradisyon ang mga katangian ng genre, kaya’t ang mga fantasy na kuwento ay kadalasang mayroong mga dragon, troll, wizard, at knight. Madalas, ang fantasy ay nagbibida ng mga kuwentong may kilalang tema gaya ng mabuti laban sa masama o ang paghihirap ng isang indibidwal laban sa lipunan.
Halimbawa: Lord of the Rings ni J.R.R Tolkien
Paranormal
Ang paranormal ay isang anyo ng fiction na nangyayari sa isang modernong setting, ngunit naglalaman ng mga nilalang o pangyayari na lampas sa normal na pang-unawa ng siyensya o karanasan ng tao. Ang mga paranormal na kuwento ay kadalasang lumilibot sa buhay ng isang bidang tao sa loob ng isang paranormal na mundo, maging ang pagtatagpo ng mga tao at mga paranormal na nilalang, o may mga paranormal na kakayahan, gaya ng mga multo, anghel, bampira, taong-lobo, clairvoyants o telekinetics.
Halimbawa: Twilight ni Stephenie Meyer, Beautiful Creatures ni Kami Garcia at Margaret Stohl, The Southern Vampire Mysteries ni Charlaine Harris.
Horror
Ang horror ay isang uri ng fiction kung saan ang layunin nito ay takutin o guluhin ang karanasan ng bida sa pamamagitan ng isang kakaiba o mapagbantang puwersa. Ang horror ay pumupukaw ng emosyonal, psychological, o pisikal na reaksyon (hal., takot) ng mambabasa at ginagambala ang antas ng pagiging komportable nito. Ang mga kuwentong horror ay kadalasang nagpapakita ng pagtatagpo ng bida at ng ‘di kilala. Kabilang ang madilim na aspeto ng sangkatauhan, maging ang nakababagabag na pagtanto na limitado lamang ang kaalaman ng tao.
Halimbawa: The Shining ni Stephen King
Historical Fiction
Ang historical fiction ay madalas na binabalikan ang makasaysayang pangyayari ng nakaraan o isang mahalaga at kilalang panahon na naranasan ng mga fictional na tauhan, ngunit maaari ring maglarawan ng isang makasaysayang pigura (sa kanilang paghahalintulad) na kailangang malagpasan ang mga nilikhang sitwasyon. Sinusubukan ng historical fiction na maipakita nang tama ang kahulugan ng nakaraan at kung paano ang mundo noon. May layunin na maging makatotohanan, dinadala ng historical fiction ang mambabasa nito na mabuhay sa nakaraan at matutunan ang kasaysayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng politikal at panlipunang isyu ng panahong iyon.
Halimbawa: The Other Boleyn Girl ni Philippa Gregory, Wolf Hall ni Hilary Mantel, The Last Kingdom ni Bernard Cornwell.
Fan Fiction
Ang Fanfiction ay isang akda na pinaghahalo ang mga tauhan, lugar, o plot mula sa mga naganap nang salaysay hanggang sa mga bago at orihinal na mga kuwento. Ang mga existing na salaysay ay maaaring mga kilalang aklat, palabas sa telebisyon, pelikula, games, komiks, o mga dula. Ang ibang uri ng fanfiction ay gumagamit ng totoong tao bilang mga tauhan sa kanilang mga kuwento. Maaaring mas palawakin pa ng fanfiction ang mundo ng kuwento (gaya ng pagpapadala kay Katniss sa ika-76 na Hunger Games) o dalhin ang mga kilalang tauhan sa panibagong direksyon (gaya ng pakikipaglaban ng Katniss kay Pikachu).
Halimbawa: Definitive Therapy ni F. Paul Wilson
Short Story
Ang Short story ay mga akda na may maikling pasalaysay na prose kung saan ang pokus ay limitadong bilang lamang ng mga karakter at iisang mapagpasyang plot. Higit na mas maikli kaysa sa mga nobela, ang mga short story ay iniiwanan ang mga mambabasa na may patikim sa buhay.
Halimbawa: The Cask of Amontillado ni Edgar Allan Poe.
Spiritual
Ang Spiritual fiction ay kadalasang may bida na nagsisimula ng isang paglalakbay tungo sa self-reflection at self-actualization, kabilang ang espirituwal, maaaring hindi relihiyoso na mga karanasan. Binubusog ng spiritual fiction ang kaluluwa, pinupukaw ang mga emosyon, at sinusubukang ipaliwanag ang mga existential na mga katanungan gaya ng bakit tayo naririto, ano ang kahulugan ng buhay, at ano ang mangyayari sa ating pagkamatay.
Halimbawa: The Alchemist ni Paulo Coelho.
Classics
Ang Classics ay ang mga kuwentong isinulat mahigit 100 daang taon na ang nakalipas at nalampasan ang pagsubok ng panahon bilang mga akda na may mataas na literary merit at artistic qualities. Ang Classics ay kadalasang nagugustuhan ng mga mambabasa at ang kanilang mga tema ay nagtatagal at umaalingawngaw sa isang kontemporaryong lipunan. Ang mga Classic ay tradisyunal ding tinatanggap bilang may mahalagang impluwensya sa pagbuo ng kultura.
Halimbawa: Jane Eyre ni Charlotte Bronte, Emma ni Jane Austen.
Science Fiction
Ang Science Fiction ay madalas na umiikot sa isang futuristic o space-age na mundo kung saan posible ang mga imaginative scientific at technological innovation sa loob ng mga nakalatag na laws of nature ng kuwento. Ang madalas na ibinibida sa Science Fiction ay ang mga resulta at epekto ng agham (aktwal man o imahinasyon) sa indibidwal o panlipunang lebel, at kadalasan kabilang ang mga advanced na mga devices, tulad ng mga time-machine, o ibang anyo ng buhay gaya ng mga alien.
Halimbawa: The War of the Worlds ni H.G. Wells, I, Robot ni Isaac Asimov.
Humor
Ang layunin ng humor ay makapagbigay aliw at magpasaya sa pamamagitan ng nakatutuwa, magarbo, o katatawanan habang bumubuo ng isang salaysay na kumokonekta sa mambabasa. Kung minsan, ang mga akdang ito ay may porma ng Satire, kung saan ay mukhang seryoso ang kuwento ngunit may palihim na pagpuna sa isang kultural o societal na elemento.
Halimbawa: Gulliver's Travels ni Jonathan Swift.
Mystery / Thriller
Ang mga Mystery na kuwento ay may bida na nag-iimbestiga ng isang krimen, problema, palaisipan, o isang walang pagkakakilanlan. Ang bida, maging isang aktwal na imbestigador o baguhan, ay madalas na nahihirapang makamit ang kanilang mga mithiin at dumaraan sa iba’t ibang uri ng psychological at pisikal na mga paghihirap, ngunit paunti-unting nakahahanap ng solusyon sa pamamagitan ng katotohanan, lohika, at pagtatrabaho nang pabalik. Ang mga kuwentong ito ay hinihikayat ang mga mambabasa na aktibong sumali sa pagresolba ng misteryo para sa kanilang mga sarili. Hinihingi rin nito na magbigay ang mga mambabasa ng maingat na atensyon sa mga palatandaan, suspek, at ebidensyang iprinisinta upang mabusog ang kanilang kaisipan.
Halimbawa: The Adventures of Sherlock Holmes ni Sir Arthur Conan Doyle.
Habang ang mga thriller na kuwento ay nagbibigay din pokus sa pagtuklas ng mga misteryo, mas mabilis ang kilos nito at binibigyang udyok ng aksyon, tensyon, excitement, at karahasan. Ang mga kuwentong Thriller ay madalas na sensational, at may kasamang mas malalaking krimen at pagsasaalang-alang gaya ng pakikipagsabwatan at paniniktik. Kabilang sa mga Thriller ang mga delikadong sitwasyon na pagdaraanan ng bida habang sinusubukang bigyang solusyon ang isang mas malaking problema.
Halimbawa: Casino Royale ni Sir Ian Fleming.
Action / Adventure
Peligro, kapahamakan, at excitement ang bumubuo sa adventure fiction, kung saan ang ibinibida ay isang partikular na pagsubok, paghahanap, o paglalakbay kung saan dapat itong mapagtagumpayan ng bida, o hero. Kabilang sa adventure fiction ang isang kontrabida o iba pang antagonistic forces na pilit iniisahan ng bida gamit ang pagiging matalino at malikhain imbes na karahasan.
Halimbawa: The Adventures of Huckleberry Finn ni Mark Twain.
Teen Fiction
Sinusundan ng Teen Fiction ang ins, outs, ups at downs ng paglaki sa pamamagitan ng emosyonal, pisikal at panlipunang mga karanasan ng isang teenager o young adult na bida. Madalas na nagaganap ang Teen Fiction sa isang high school na setting at maaaring magsilbing “coming-of-age” na kuwento, kung saan naido-dokumento ang awkwardness ng pagdadalaga o pagbibinata at ang mga pagsubok sa pagharap ng mahihirap na social issues.
Halimbawa: The Perks of Being a Wallflower ni Stephen Chbosky, Looking for Alaska ni John Green.
ChickLit
Ang pangunahing ibinibida ng ChickLit ay ang mga paghihirap ng modernong kababaihan. Habang ang mga romantic na elemento ay makikita sa ChickLit, madalas ang pokus ay ang mga relasyon ng bidang babae sa kanyang mga kaibigan o pamilya.
Halimbawa: Short Writings ni Marian Keyes
Poetry
Tulad ng sabi ni William Wordsworth, ang poetry ay ang “the spontaneous outflow of powerful feelings.” Walang pagdududa, ang poetry ay gumagamit ng ritmo, wika, rhetorical devices, at figures of speech para magpahiwatig ng isang malikhain at puno ng emosyong karanasan. Ang Poetry o tula ay iba mula sa prose, o pang-araw araw na pagsulat, at madalas na gumagamit ng makabuluhan at matalinghagang wika upang magpakita ng mas malalim na kahulugan.
Halimbawa: Fire and Ice ni Robert Frost.
Vampire
Ang pangunahing ibinibida ng Vampire fiction ay ang usapin ng vampire o bampira na kumakain ng buhay na mga nilalang para mabuhay. Habang ang mga bampira ay tradisyunal na nakatatakot at masasama, ang mga makabagong interpretasyon ay madalas na binabago ang mga may pangil na bloodsuckers bilang mas mahiwaga at kumplikadong mga nilalang. Ang Vampire fiction ay kadalasang umiikot sa kuwento ng pagtatagpo ng taong bida at ng isang bampira, ang kanilang pagmamahalan, o ang kanilang pagbabago mula tao bilang isang bampira. Ang ibang komplikasyon ay maaaring may kinalaman sa paghuli ng mga bampira o ang drama sa loob ng isang vampire coven.
Halimbawa: Dracula ni Bram Stoker.
Werewolf
Ang pangunahin na ibinibida ng Werewolf fiction ay ang usapin ng mga werewolf o ng iba pang tao/halimaw/hayop na mga anyo mula sa mga kuwentong bayan at mga mitolohiya ng mga halimaw. Ang Werewolf fiction ay madalas na magpokus sa lycanthropy - ang supernatural na transformation ng tao para maging wolf - at ang mga epekto nito, maaari ring kabilang ang drama sa pamumuno ng pack at ang paghihirap ng bida para pigilan ang primal na udyok at panghalimaw na mga pangangailangan.
General Fiction
Ang General Fiction, na minsan ay tinatawag na contemporary fiction, ay nagbibigay pokus sa pang-araw-araw na mga karanasan at pinagdaraanan ng bida, kadalasan ay isang adult, na may detalyadong paglalarawan at background. Ang General Fiction ay nakalaan para sa mas may-edad na mga mambabasa at mas may mature na mga tema.
Non-Fiction
Ang Non-Fiction ay mga akda na ang pokus ay mga totoong pangyayari, mga tao, at mga karanasan. Kabilang sa genre na ito (ngunit hindi limitado) ay ang mga memoir, travelogues, talambuhay, at business advice.
Halimbawa: In Cold Blood ni Truman Capote.
Random
Hindi lahat ng akda ay madaling tumutugma sa mga kategoryang ito, at alam namin ang ang mga kategoryang ito ay maaaring kailangang magbago sa pag-usad ng panahon. Hangga’t hindi pa ito nangyayari, naglagay kami ng “Random” na kategorya para sa mga akdang hindi pasok sa mga tinutukoy ng mga genre na ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.