Sa Wattpad, ang aming layunin ay magpasaya at pagdugtungin ang mundo sa pamamagitan ng mga kuwento. Ang aming komunidad ay nasa puso ng layunin na ito, at ipinagmamalaki namin ang aming sarili bilang isang lugar kung saan ang lahat ay maaaring makaramdam na sila ay nabibilang. Ang susi sa pagbuo ng pakiramdam ng pagiging bahagi ay ang ang pagbuo ng isang ligtas at positibong kapaligiran sa Wattpad. Ito ay isang nagpapatuloy na proseso sa paglipas ng mga taon, at nakatuon kami sa paghahanap ng mas marami pang paraan para panatilihing ligtas ang ating komunidad.
Nagbago ba ang Mga Alituntunin sa Nilalaman ng Wattpad?
Hindi - ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman ay walang pinagbago, at ang aming core guidelines tungkol sa kung anong nilalaman ang aming pinahihintulutan sa Wattpad ay mananatiling pareho. Ang magbabago lamang ay ang paraan ng aming pag-moderate ng mga imaheng nai-upload sa Wattpad; pinaghuhusay namin ang aming teknolohiya para mapabuti ang pagpapatupad ng aming Mga Alituntunin kasabay ng patuloy na paglaki at pagbabago ng ating komunidad. Para matuto nang higit pa tungkol sa media na hindi namin pinahihintulutan sa Wattpad, mangyaring basahin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman sa ilalim ng seksyon ng mga Ipinagbabawal na Nilalaman.
Mangyaring pakatandaan na kahit na naka-marka bilang mature ang isang kuwento, dapat pa rin itong sumunod sa aming mga alituntunin.
Paano ko malalaman kung ang imahe ko ay na-flag bilang hindi angkop?
Kung ikaw ay nasa Web, Android (7.16.0 o higit pa), o iOS (8.36.0 o higit pa) at ang iyong imahe ay na-flag bilang hindi angkop, makikita ang dilaw na tatsulok na indicator:
- Sa hindi angkop na imahe
- Sa tabi ng pamagat ng kabanata sa talaan ng nilalaman
- Sa tabi ng pamagat ng kuwento sa iyong mga akda
Kahit ano pang platform ang iyong ginagamit, makatatanggap ka pa rin ng pribadong mensahe mula sa Wattpad. Sa mga naunang bersyon ng app, ang (mga) imahe ay makikita pa rin kung tinitingnan ang iyong kuwento, at walang mga indicator. Kung naniniwala kang na-flag ang iyong imahe ngunit hindi sigurado, maaari mong tingnan ang iyong mga pribadong mensahe o i-review ang imahe sa aming Web version.
Mananatili ang indicator sa iyong kuwento hanggang sa matanggal ang imahe.
Kung nakalathala ang aking kuwento at na-flag ang mga imahe, ano ang makikita ng mambabasa ko?
Kung ang iyong imahe ay na-flag na naglalaman ng hindi angkop na content, hindi ito makikita ng mga mambabasa kapag binabasa ang iyong kuwento. Ang iyong imahe ay hindi mapabibilang sa buong karanasan ng pagbabasa, at hindi magkakaroon ng palatandaan na mayroong larawan doon.
Paano kung minarkahan ko ang aking kuwento bilang mature?
Ang mga mature na kuwento ay kailangan pa rin sumunod sa aming Mga Alituntunin sa Nilalaman. Kung hindi ka sigurado kung anong uri ng media ang pinahihintulutan sa Wattpad, mangyaring basahin ang mga alituntuning ito para masiguro na walang nilalabag ang iyong media.
Ang imahe ko ay na-flag bilang hindi angkop ngunit sa palagay ko ay mali ito, ano ang dapat kong gawin?
Kung naniniwala kang mali ang pag-flag sa iyong kuwento, maaari mo itong i-apela gamit ang aming appeal flow
Kailan maipatutupad ang mga pagbabagong ito?
Ipatutupad namin ang mga pagbabagong ito sa susunod na mga buwan. Hinihikayat ka namin na basahin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman at i-review ang kahit anong imahe na iyong na-upload para masiguro na hindi ito lumalabag sa aming mga alituntunin. Kung may nakita kang imahe na sa palagay mo ay lumalabag sa aming Mga Alituntunin sa Nilalaman, mangyaring i-report ito sa amin dito.
Ipakita ang lahat ng pabalat: Bakit malabo ang ilang pabalat?
Dahil sa na-update na mga alituntunin sa app store, mayroon na ngayong opsyon ang mga user ng Android na i-blur ang anumang potensyal na nagpapahiwatig ng mga larawan sa pabalat sa Home, Mga Detalye ng Kuwento, at Search. Gumagamit ang feature na ito ng teknolohiya para matukoy ang potensyal na nagpapahiwatig na materyal. Dahil hindi sinusuri ng mga tao kung aling mga pabalat ang malabo, minsan, maaaring ito ay mali. I-toggle ang feature na ito kung gusto mong makita ang lahat ng pabalat. Para sa higit pang impormasyon kung paano baguhin ang setting na ito, mangyaring bisitahin ang Pag-adjust ng iyong Content Preferences.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.