Skip to Content

Hindi maka-log in gamit ang Gmail address

Nagkakaroon ka ba ng problema sa pag-log in sa iyong Wattpad account na naka-link sa isang Google address? Sinasabi ba nitong walang Wattpad account na naka-link sa iyong email, ngunit kapag sinusubukan mong gumawa ng bagong Wattpad account, sinasabi nitong mayroon nang account na naka-link dito?

Subukang mag-log in sa iyong Wattpad account nang walang tuldok sa iyong email.

(hal. example.user@gmail.com ay magiging exampleuser@gmail.com)

Ang aming system ay ilo-log ang anumang Gmail account na may tuldok na kapareho ng mga email address na walang tuldok. Ginagawa namin ito dahil ipinadadala ng Gmail ang lahat ng email sa mga email address na pareho maliban sa sa tuldok sa kaparehong email address. Mangyaring tingnan ang link na ito para sa iba pang detalye: https://support.google.com/mail/answer/10313?hl=en

Maaari ka pa ring makatanggap ng mga email sa iyong kasalukuyang email address na may tuldok. Ang kaibahan lamang sa iyong parte ay kailangan mong mag-log in nang wala ang tuldok. Humihingi kami ng dispensa sa abalang ito! Ito ay para maiwasan ang duplikadong mga account sa aming parte.

Mangyaring pakatandaan na ito ay para lamang sa mga Gmail address.

Kung ka pa rin natulungan nito sa isyung ito, mangyaring magsumite ng ticket sa support sa pamamagitan ng pag-click dito at malugod namin kayong aalalayan.

Siguraduhin na ang email na iyong gagamitin sa pagsulat sa amin ay ang email na naka-link sa iyong account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
74 sa 193 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.