Kahit na ginawa ang mga kuwento para mabasa ng lahat, ang bawat kuwento ay mayroong partikular na audience na pinaka-magtatangkilik dito. Gaya ng kahit anong produkto, ang mga kuwento ay dapat binubuo na mayroong iniisip na partikular na target audience. Hindi ito nangangahulugan na ang kuwento mo ay dapat mabasa lamang ng uri ng audience na ito, ibig sabihin lamang nito, ang karamihan ng iyong mga mambabasa ay dapat nagmumula sa isang partikular na grupo ng edad.
Hindi kinakailangan ang paglalagay ng Target Audience, ngunit hinihikayat namin kayong gawin ito sapagkat natutulungan nito ang Wattpad na mas maintindihan ang iyong kuwento.
Mangyaring pakatandaan na maaari ka lamang maglagay ng Target Audience sa Wattpad website (ang feature na ito ay wala sa aming mga app).
Sa Desktop Web
- I-click ang Sumulat sa itaas na navigation bar
- I-click ang Ang Aking Mga Kuwento
- Pumunta sa kuwentong nais mong lagyan ng target audience
- Piliin ang iyong target audience mula sa Target na Mambabasa na drop down
- I-click ang alinman sa Save o I-publish para ma-save ang mga pagbabago
Sa oras na ilagay mo ang iyong target audience, hindi mo na ito matatanggal at maaari mo lamang mabago ang intended na audience.
Mga Madalas na Katanungan
Paano ko malalaman ang aking Target Audience kung wala pa akong maraming mambabasa?
Maraming paraan para malaman ang iyong target audience. Kadalasan, matutukoy mo ang iyong target audience bago mo pa man simulan ang iyong kuwento. Narito ang listahan ng mga katanungang maaari mong itanong sa iyong sarili para malaman kung sino ang iyong target audience.
Sino ang aking mga tauhan?
Madalas, ngunit hindi palagi, ang edad ng mga pangunahing tauhan ay kumakatawan ng maaari mong maging target audience. Ang iyong pangunahing tauhan ba ay 17 at nasa high school? Kung ganoon, malamang ay ganoon din ang iyong target na mambabasa.
Ano ang setting ng aking kuwento?
Paminsan, ang setting ng iyong libro ay makatutulong upang matukoy kung ano ang iyong target audience. Ang setting ba ng iyong libro ay kadalasang nasa opisina? Kung ganoon, ang iyong target audience na pinaka-pamilyar sa setting na ito ay ang mga edad na 18+.
Isinulat ko ba ang librong ito para sa mga taong gaya ko?
Isinulat mo ba ang kuwentong ito dahil hiniling mo na may ganitong klase ng babasahin ngunit hindi ka nakahanap ng katulad nito? Kung oo, marahil ay isa itong magandang indikasyon na ikaw at ang mga taong tulad mo ang iyong target audience. Kung ikaw ay 25+, maaaring ang iyong audience ay nasa parehong edad din.
Ano ang iba’t ibang mga Target Audience?
- Target ng Young Adult ang mga mambabasang nasa edad na of 13-18.
- Target ng New Adult ang mga mambabasang nasa edad na of 18-24.
- Target ng Adult ang mga mambabasang nasa edad na 25+
Ipakikita niyo lang ba ang aking kuwento sa Target Audience na aking napili?
Hindi. Kahit sino pa ang iyong napiling target audience, ipakikita pa rin namin ang iyong kuwento sa lahat. Halimbawa: inilagay mo na ang iyong Target Audience ay Young Adult (ibig sabihin, naka-target sa mga 13-18 taong gulang), ang iyong kuwento ay makikita pa rin ng iba.
Makikita ba ng aking mga mambabasa ang aking piniling Target Audience?
Hindi makikita ng mga mambabasa ang iyong target audience. Ikaw lamang at ang Wattpad ang maaaring makakita ng impormasyon na ito.
Ang aking kuwento ay naglalaman ng mature content, ito ba ay maituturing na “Adult”?
Hindi. Ang “Mature” at “Adult” na mga kuwento ay magkaiba. Ang pagkakaroon ng mature na tema ng iyong kuwento (gaya ng sex o karahasan) ay hindi nangangahulugan na ito’y maituturing nang adult. Halimbawa: maaari kang magkaroon ng New Adult na kuwento tungkol sa isang intern sa New York City, at mayroon itong ilang temang sekswal at karahasan, ang ibig sabihin lang nito na ang kuwento ay parehong “Young Adult” at “Mature”.
Paano kung gusto kong maabot ng aking mga kuwento ang lahat ng audience?
Tukuyin pa rin ang iyong target audience kahit na nais mong maabot ang lahat ng mga audience. Sa simpleng kadahilanan na ang paglalagay ng mas may edad na target audience ay hindi nangangahulugan na hindi na ito mababasa ng mas batang mambabasa o vice versa. Ang ilang mas may edad na mambabasa ay natutuwang magbasa ng Young Adult fiction kahit na nakalaan ito para sa mas batang mambabasa. Pareho rin para sa mga mas batang mambabasa na mas gusto ang New Adult fiction kahit na para ito sa mga audience na mas matanda sa kanila. Ang Target Audience ay isa lamang sa mga paraan para mabigyang linaw kung tungkol saan ang iyong kuwento.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.