Skip to Content

Paglalagay ng Time Setting sa isang kuwento

Sa Wattpad, maaari kang magsulat ng mga kuwento na may iba’t ibang setting ng panahon, kabilang ang historical, kasalukuyan, o isang libong taon sa hinaharap! Ang paglalagay ng Time Setting sa iyong kuwento ay hindi kinakailangan ngunit aming maipapayo na iyong gawin ito sapagkat natutulungan nito ang Wattpad na mas maintindihan ang iyong kuwento. Ang Time Setting ay naka-set sa kuwento sa bawat parte, ibig sabihin, maaari kang magkaroon ng maraming mga time setting sa iisang kuwento.

Mangyaring pakatandaan na maaari ka lamang maglagay ng Time Setting sa Wattpad website (ang feature na ito ay wala sa aming mga app).

Sa Desktop Web 

  1. I-click ang Sumulat sa itaas na navigation bar.
  2. I-click ang Ang Aking Mga Kuwento
  3. Pumunta sa iyong kuwento
  4. Piliin ang bahagi ng iyong kuwento na nais mong lagyan ng time setting
  5. I-click ang More button sa itaas na kanang bahagi
  6. Piliin ang iyong time setting mula sa Time Setting na drop down
  7. Piliin ang alinman sa Save o I-publish para ma-save ang mga pagbabago

Sa oras na maglagay ka ng time setting, hindi mo na ito matatanggal at mababago lamang ito sa hinaharap.

Mga Madalas na Katanungan 

Nakikita ba ng aking mga mambabasa ang aking mga Time Setting label?

Hindi makikita ng mga mambabasa ang time period na inilagay mo sa parte ng iyong kuwento. Huwag mag-alala, hindi ito magiging spoiler sa iyong kuwento.

Ano ang ginagawa ng Wattpad sa Time Setting na impormasyon?

Ginagamit ng Wattpad ang koleksyon ng Time Setting labels para mas maintindihan ang iyong kuwento. Ito ba ay isang kuwento ng pag-time travel kung saan nagpapalipat-lipat ang kuwento mula sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap? Maaari naming masagot ang mga katanungang ito sa pamamagitan ng pagtingin kung anong Time Setting ang iyong ginamit para sa bawat parte ng iyong kuwento.

Ano ang Naiibang Panahon?

Ang Naiibang Panahon ay naglalarawan ng mga time period na hindi gaya ng sa atin. Halimbawa, may kuwento sa isang fantasy land na hindi sinusukat ang oras sa parehong paraan na ginagawa natin. O mayroong isa pang planeta kung saan mabagal ang takbo ng oras, kung saan ang isang segundo sa ating mundo ay isang taon sa kanila. Madalas, ang mga kuwento na nasa isang alternate Universe o sa isang Fantasy Land ay madalas nagaganap sa isang “Naiibang Panahon”.

Ano ang kahulugan ng Kasalukuyang Panahon?

Kung ang iyong inilagay sa parte ng iyong kuwento ay “Kasalukuyang Panahon”, ibig sabihin nito, ang setting ng kuwento ay nagaganap sa kasalukuyang panahon. Halimbawa, isinulat mo ang kuwentong iyon noong 2010, ngunit 2018 na ngayon. Ang pagkakapareho ng mga taong ito at ang pagkakalapit nila sa isa’t isa ay nangangahulugan na ang kuwento ay nagaganap pa rin sa “Kasalukuyang Panahon”.

Paano kung ang kuwento ko ay nagaganap sa maraming Time Setting?

Kung ang iyong kuwento ay nagaganap sa higit sa isang time period, maaari mong hindi ilagay ang Time Setting ng parteng iyon o ilagay ang Time Setting na pinaka-prominente sa parteng iyon ng kuwento.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
111 sa 124 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.