'Hindi nahanap ang user' para sa iyong sariling account
Kung sinusubukan mong mag-log in at nakakakita ka ng mensaheng 'Hindi nahanap ang user', mayroong ilang mga opsyon na maaari mong subukan:
- Subukang mag-log in gamit ang iyong email sa halip na username, o username sa halip na email
- Tiyaking nabaybay mo nang tama ang iyong username
- Kung mayroon kang Gmail address na may tuldok, subukang alisin ang tuldok (hal., 'jane.smith@gmail.com' ay nagiging 'janesmith@gmail.com') Para sa higit pang impormasyon, pakitingnan ang artikulong ito: Hindi maka-log in gamit ang Gmail address.
- Subukan ang pag-troubleshoot na nakalista dito para sa app at dito para sa website
Kung wala sa mga ito ang makalulutas sa isyu, maaaring may ilang dahilan kung bakit hindi mo pa rin mahanap ang account:
- Isinara mo ang account. Mangyaring tingnan ang Pagbubukas muli/Pag-reactivate ng account
- Mali ang username. Subukang isipin kung binago ang iyong username, at subukang mag-log in gamit ang ibang username
- Ang account ay tinanggal
'Hindi nahanap ang user' kapag naghahanap ng account
Kung hinahanap mo ang profile ng ibang Wattpadder at nakakakita ng User Not Found na mensahe, marahil ito ay dahil sa:
- Sarado na ang account ng user
- Hindi tama ang username at ito’y hindi nabibilang sa isang Wattpad account
- Maaaring na-mute ka ng user na ito. Matuto nang higit pa tungkol sa pag-mute sa artikulong Pag-mute at Pag-unmute ng isang user
- Maaaring ikaw ay na-block ng user na ito. Matuto nang higit pa tungkol sa pag-block sa artikulong ito Pag-block ng user
Kung nakikita mo ang screen na ito, aming inirerekomenda ang pag double-check ng username para masiguro na ang hinahanap mo ay ang tamang user.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.