Skip to Content

Offline reading

Ginagawang posible ng offline reading ang pagbabasa ng iyong mga paboritong mga kuwento sa Wattpad nang hindi kumukonekta sa internet. Kumonekta sa internet sandali, magdagdag ng kuwento sa iyong Offline list, at mag-enjoy sa pagbabasa kahit saan ka pa—nang hindi nangangailangan ng internet.

Ang mga isyu sa dating bersyon ng Library management ay nagresulta sa kawalan ng kontrol ng mga Wattpadder sa awtomatikong pag-download, device storage overload, mga isyu sa pag-sync ng Library, at app crashes, at hindi ito ang karanasang nais naming ibigay.

Ang offline Library ay pinahihintulutan kang:

  • Mamili ng mga kuwentong ise-save para sa offline reading
  • Magdagdag o magtanggal ng mga kuwento sa iyong offline list direkta mula sa Library
  • Tingnan ang iyong offline limit at kung ang isang kuwento ay nasa offline o online mode.

Kung naabot mo na ang iyong offline limit, may dalawa kang pagpipilian upang maayos ito:

  • Tanggalin ang kuwento mula sa offline list upang magdagdag ng ibang kuwento - libre, at kahit ilang beses mong gawin
  • Mag-upgrade sa Premium upang magkaroon ng access sa unlimited na mga kuwento offline

Upang magdagdag o magtanggal ng isang kuwento sa iyong offline list, pumili ng platform para sa iba pang detalye:

Sa iOS

  • Upang magdagdag ng kuwento sa iyong offline list, tumungo sa iyong Library at i-tap ang Add to offline list kung saan nakalista ang kuwento. Dapat ay naka-konekta ka sa internet upang makapagdagdag ng kuwento sa iyong offline list.
  • Upang magtanggal ng kuwento, tumungo sa iyong Library at i-tap ang downloaded cloud icon sa tabi ng kuwentong nais mong tanggalin, pagkatapos ay “Remove from Offline List”

Sa Android

  • Upang magdagdag ng kuwento sa iyong offline list, tumungo sa iyong Library at i-tap ang Add to offline list kung saan nakalista ang kuwento. Dapat ay naka-konekta ka sa internet upang makapagdagdag ng kuwento sa iyong offline list.
  • Upang magtanggal ng kuwento, tumungo sa iyong Library at i-tap ang Remove from offline list sa tabi ng kuwentong nais mong tanggalin, pagkatapos ay OK

Ang bagong karansan sa Library ay dahan-dahang pinatutupad sa lahat ng mga Wattpadder at sa susunod na mga linggo, ang bawat isa sa inyo ay makikita ang update na ito. Kung nasa mo pang matutuo tungkol dito, mangyaring tingnan ang aming FAQ sa ibaba.

Frequently Asked Questions

Paano ko malalaman kung ang isang kuwento ay available offline?

Kung nais mong makumpirma kung anong mga kuwento ang available para sa offline reading, bisitahin ang “Available Offline” section ng iyong Library o hanapin ang Downloaded na imahe sa gilid ng bawat kuwento. Ipaaalam namin sa iyo kung sinubukan mong magbasa ng online na kuwento habang ikaw ay hindi naka-konekta sa internet.

 

Nabibilang ba ang Paid Stories sa aking offline limit?

Ang kahit na anong Paid Stories na iyong idinagdag sa iyong Library ay magiging available para sa offline reading at hindi mabibilang sa iyong offline limit.

 

Kung tinanggal ko ang isang kuwento sa aking offline list, matatanggal din ba ito sa aking Library?

Ang pagtanggal ng isang kuwento sa iyong offline list ay hindi magtatanggal nito sa iyong Library. Ang mga kuwentong iyong tinanggal sa iyong offline list ay malilipat sa “Other Stories” section ng iyong Library.

 

Sinusubukan kong magdagdag ng kuwento sa aking offline list ngunit hindi ito nadaragdag. Bakit ganito?

Kung sinubukan mong magdagdag ng kuwento sa iyong offline list ngunit hindi mo nagawa ito, ito marahil ay:

  1. Wala kang aktibong internet connection upang idagdag ang kuwento. Kumonekta sa internet upang makapagdagdag ng mga bagong kuwento sa iyong offline list.
  2. Naabot mo na ang iyong offline limit. Maaari kang magtanggal ng offline na kuwento upang magdagdag ng iba pang kuwento para sa offline reading o mag-subscribe sa Wattpad Premium upang magkaroon ng access sa unlimited na mga kuwento offline.

 

Bakit hindi available ang bagong Library / Offline feature sa aking bansa?

Ang bagong karanasan sa Library ay dahan-dahang pinatutupad sa lahat ng mga Wattpadder at sa susunod na mga linggo, ang bawat isa sa inyo ay makikita ang update na ito. 

 

Mayroon akong sapat na storage sa aking device at hindi ko kailangang mag-alala tungkol sa pag-limit ng mga kuwentong mababasa ko offline. Ang pagbabagong ito ay hindi dapat umepekto sa akin.

Naiintindihan namin na hindi lahat ng mga user ay may problema sa storage sa kanilang device. Subalit, ang aming layunin sa bagong Library ay upang mas magkaroon ka ng kontrol kung paano mo ima-manage ang iyong device storage, kasama na ang pagpigil sa awtomatikong pag-download ng lahat ng mga kuwento sa iyong Library. Pinahihintulutan ka nitong magdagdag ng mas maraming kuwento sa iyong Library para sa pagbabasa sa hinaharap, habang pinahihintulutan kang mamili sa iyong mga binabasa sa kasalukuyan ang nais mong iwan sa offline reading.

 

Paano ko mababago ang aking offline limit?

Maaari mong tanggalin ang iyong offline limit at magkaroon ng access sa unlimited na mga kuwento offline sa pamamagitan ng pag-subscribe sa Wattpad Premium.

 

Ilang mga kuwento ang maaari kong mabasa offline gamit ang Wattpad Premium subscription?

Bilang isang Premium subscriber, maaari kang magdagdag ng unlimited na mga kuwento sa iyong offline list at basahin ang mga ito kahit walang internet connection

 

Isa akong Wattpad Premium subscriber. Bakit lahat ng mga kuwento ko ay naidagdag bigla sa aking offline list?

Ang lahat ng mga kuwento sa Library ng isang existing Premium subscriber ay awtomatikong naidaragdag sa kanilang offline list. Ang kahit na anong kuwentong iyong idaragdag sa iyong Library bilang isang Premium subscriber ay madaragdag sa iyong offline list. Walang limit sa bilang ng mga kuwentong maaari mong patuloy na idagdag o tanggalin sa iyong offline list.

Maaari mong i-manage ang iyong Library:

  • Upang magdagdag ng kuwento sa iyong offline list, maaari kang tumungo sa iyong Library at i-tap ang Add to offline list kung saan nakalista ang kuwento. Dapat ay naka-konekta ka sa internet upang makapagdagdag ng kuwento sa iyong offline list.
  • Upang magtanggal ng kuwento, tumungo sa iyong Library at i-tap ang Remove from offline list sa tabi ng kuwentong nais mong tanggalin.

 

Isa akong Wattpad Premium Subscriber. Hindi ko makita ang mga bagong kuwentong aking idinaragdag sa aking Library. Nasaan sila?

Ang mga bagong kuwentong iyong idinaragdag sa iyong Library ay madaragdag sa “Available Offline” section ng iyong Library. Mag-scroll down sa iyong Library upang makita ang buong listahan ng mga kuwento.

 

Maaari ba akong magbasa ng mga kuwento offline gamit ang web version ng Wattpad?

Ang offline reading ay kasalukuyang magagawa lamang sa mga Wattpad app (iOS at Android)

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
132 sa 247 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.