Skip to Content

Pag-manage ng iyong impormasyon sa pagbabayad

Maaari kang bumili ng coins gamit ang iyong App Store o Google Play accounts, ngunit mangangailangan ka ng valid na credit card, debit card, o gift card na mayroong balanse. Upang maiwasan ang identity theft, panatilihing pribado ang impormasyon ng iyong card sa lahat ng oras. Kahit kailan ay hindi hihingin ng Wattpad ang impormasyon ng iyong credit card sa pamamagitan ng pribadong mensahe. 

Kung nakararanas ka ng isyu sa pag-link ng iyong credit o debit card sa iyong account, mangyaring i-review ang mga sumusunod na impormasyon.

I-click ang platform para matuto nang higit pa:

Sa iOS

  1. Buksan ang Settings app
  2. I-tap ang iyong pangalan, pagkatapos ay ang iTunes & App Store.
  3. I-tap ang iyong Apple ID (na kadalasan ay iyong email address), pagkatapos ay i-tap ang View Apple ID. Maaaring hilingin sa iyo na mag-sign in.
  4. I-tap ang Manage Payments. (Kung ang iyong gamit ay ang mas lumang bersyon ng iOS, i-tap ang Payment Information.) Pagkatapos, magdagdag, mag-update, ayusin ang pagkakasunod, o tanggalin ang iyong mga paraan ng pagbabayad. 
  5. Piliin ang edit sa itaas na kanang bahagi para gumawa ng mga pagbabago.

Kung nakararanas ka pa rin ng problema, mangyaring tingnan ang Apple's Support article o direktang makipag-ugnayan sa Applecare sa numerong (800) 263-3394

Sa Android 

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Store.
  2. I-tap ang Menu at pagkatapos ay ang Payment methods
  3. Sa ilalim ng "Add payment method", piliin ang paraan ng pagbabayad na nais mong ilagay. 
  4. Ang panibagong paraan ng pagbabayad ay maidaragdag sa iyong Google Account.
    Tandaan: Kung ikaw ay gumagamit ng Google Pay sa India bilang paraan ng pagbabayad, kailangan mong i-update ang iyong UPI ID. 

Kung nakararanas ka pa rin ng problema, mangyaring tingnan ang Support Article ng Google Play o direktang makipag-ugnayan sa Google Play sa numerong 855-466-4438

On Web 

Ang pagbili ng coins ay kasalukuyang available lamang sa App Store o Google Play.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
4 sa 8 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.