Skip to Content

Paggamit ng accessibility features

Desidido ang Wattpad na gawing mas accessible ang mga kuwento para sa ikasasaya ng lahat. Patuloy kaming nagtatrabaho para dalhin ang lahat ng aspeto ng pagkukuwento sa isang antas na para sa lahat. Sa Wattpad, lahat ay kabilang at hindi kami titigil sa pagpapaganda ng aming platform hangga’t ang bawat tao na may iba’t ibang kakayahan ay puwedeng i-enjoy ang ibinabahagi ng aming komunidad.

Umaasa kami na ang mga mapagkukunan ng impormasyon sa ibaba ay makatutulong sa ‘yo sa pagset-up ng iyong device o assistive technology para magamit ang Wattpad.

Sa iOS

Sa Web

Pag-adjust ng browser font settings.

Maaari mong i-adjust ang font settings sa iyong browser para panatilihin ang iisang size. Ang prosesong ito ay mananatili, at ang lahat ng browser windows at tabs ay gagamit ng parehong size.

Mangyaring tingnan ang mga sumusunod kung paano ito gawin gamit ang iba’t ibang browser.

Google Chrome

Windows Internet Explorer 11

Firefox

Safari

Tandaan: Ang ibang websites ay hindi magdi-display ng nais na font size pagkatapos baguhin ang font settings. Gamitin ang quick font size change solution para palakihin ang font size.

Pag-zoom para palakihin ang page

Maaari kang mag-zoom in para baguhin ang font size ng iyong kasalukuyang browser window o tab. Ang paraan na ito ay maaaring maalis kung magbubukas ka ng isa pang tab o window.

Narito ang ilang paraan kung paano ito gawin gamit ang iba’t ibang operating systems:

Para sa gumagamit ng Windows: Pindutin ang CTRL at ang Plus Sign keys para mag-zoom in, at CTRL at Minus Sign keys para mag-zoom out.

Para sa gumagamit ng Mac OS X: Pindutin ang CMD at ang Plus Sign keys para mag-zoom in, at CMD at Minus Sign keys para mag-zoom out.


Kung nagkakaproblema ka pa rin, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.

 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
32 sa 75 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.