Skip to Content

Paglalagay ng Story Notes sa iyong kuwento

Bilang manunulat, maaaring mahirap na maalala ang lahat ng iyong mga malikhaing konsepto at ideya sa lahat ng oras. Ang Story Notes feature ay tinutulungan kang ayusin direkta sa Wattpad ang lahat ng core concepts ng isang kuwento mula sa mga detalye ng bida, layunin ng kuwento, hanggang sa pinakawakas ng iyong kuwento, maaari mo itong pribadong sundan at mabalikan habang isinusulat mo ang iyong kuwento.

Mangyaring pakatandaan na maaari ka lamang magdagdag ng Story Notes tuwing nasa Wattpad website (ang feature na ito ay hindi available sa aming mga app), at sa kasalukuyan, available lamang ito sa ilang lenggwahe.

Sa Desktop Web

  1. I-click ang Sumulat sa itaas na navigation bar
  2. I-click ang Ang Aking Mga Kuwento
  3. Piliin ang kuwentong nais mong lagyan ng notes sa pamamagitan ng pag-click ng pamagat nito
  4. I-click ang Story Notes tab, at ilagay ang iyong story notes
  5. Piliin ang alinman sa Save o Publish para i-save ang lahat ng mga pagbabago

Mga Madalas na Katanungan 

Bakit hindi ko mahanap ang Story Notes sa app?

Sa kasamaang palad, ang Story Notes ay magagamit lamang sa desktop web. Umaasa kaming mailagay ito sa app sa hinaharap.

Gumawa ako ng bagong kuwento, ngunit hindi naglo-load ang Story Notes page

Ang Story Notes ay magiging available sa oras na may isang bahagi nang nai-draft o nailathala.

Makikita ba ng aking mga mambabasa ang aking Story Notes?

Hindi. Walang makikita ang iyong mga mambabasa sa iyong Story Notes.

Bakit may limitasyon ang mga karakter sa Story Notes?

Nais naming masiguro na ang iyong Story Notes ay isang lugar kung saan maaari kang maglagay ng maikling mga note tungkol sa core elements ng iyong kuwento. Naglagay kami ng limitasyon sa mga salita sa iyong Story Notes para mapanatili itong maikli para sa isang mabilisang pagtugon kung kinakailangan.

Paano ko buburahin ang aking Story Notes?

Hindi mo maaaring mabura ang iyong Story Notes sa oras na magawa mo ito, maliban na lang kung ito ay isang text form field. Bilang alternatibo, palitan ang iyong input upang ilagay ang pinaka wastong paglalarawan ng iyong kuwento sa kasalukuyan. O, kung iyong buburahin ang iyong kuwento nang tuluyan, kasama nitong mabubura ang iyong Story Notes.

Bakit iisa lang ang bida na maaari kong ilagay?

Sa karamihan ng mga kuwento, kahit na mukhang marami ang mga bida, iisa lamang ang tunay na bida. Mayroong ilang kataliwasan sa patakaran na ito. Para higit na matuto kung paano matukoy ang alin sa iyong mga pangunahing tauhan ang bida, tingnan ang artikulong ito: Sino ang iyong bida?

Sa ngayon, pumili na muna ng isang tauhan bilang iyong bida. Umaasa kaming madaragdagan ng higit pa sa isang opsyon para sa tauhan ang Story Notes sa hinaharap.

Bakit hindi ako maaaring maglagay ng sariling katangian para sa aking bida, at kailangan kong gamitin ang suhestiyon mula sa listahan? 

Maaari ka lamang pumili ng mga katangian mula sa aming data bank ng mga katangian ng bida. Gusto namin itong maiba sa Mga Tag, kung saan maaari kang maglagay ng kahit anong nais mo. Bilang pag-iiba, aming inilista ang mga “pangunahing” katangian na partikular ngunit hindi masyadong tiyak: mga bagay gaya ng kanilang etnisidad, buhok, mata, mental o pisikal na mga kapansanan, uri ng trabaho atpb.

Bakit hindi ko mapili ang aking Goal Type?

Bago ka makapili ng Goal Type, kailangan mo munang piliin kung ano ang pangunahing layunin na maaaring maging pisikal o emosyonal. Pagkatapos piliin ang pangunahing layunin, iyong makikita na magagamit na ang goal type dropdown at maaari ka nang pumili mula sa ilang opsyon.

Bakit hindi ko magamit ang Goal Type drop-down?

Gumagana lang ang Goal Type drop-down sa oras na masagot mo ang mga naunang katanungan na “The goal is primarily”. Sa oras na masagot mo ito, maaari ka nang pumili ng Goal Type.

Kung naipasa ko na ang aking Story Notes sa Wattpad para maikunsidera para sa Mga Oportunidad para sa mga Kuwento ngunit may nais akong baguhin, huli na ba para gawin ito? 

Kung naipasa mo na ang iyong story notes sa backlog ng mga kuwento para sa oportunidad ng Wattpad, ngunit pinalitan ang iyong notes anumang oras pagkatapos, ipasa na lamang muli ang iyong story notes sa backlog ng mga kuwento at agad naming babaguhin ang iyong submission para isama ang mga pagbabago. Hindi kailangang mag-alala o makipag-ugnayan sa amin.

Kailan at paano ako makatatanggap ng mensahe tungkol sa Mga Oportunidad para sa mga Kuwento mula sa Wattpad pagkatapos kong ipasa ang aking kuwento para maikunsidera?

Hindi ka makatatanggap ng mensahe tungkol sa Mga Oportunidad para sa mga Kuwento mula sa Wattpad pagkatapos mong ipasa ang iyong kuwento para maikunsidera. Subalit, ang pagpasa ng iyong kuwento para maikunsidera ay mas magbibigay pansin dito mula sa Wattpad staff kumpara sa milyon-milyong mga kuwentong mayroon kami.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
61 sa 84 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.